Ang aking colf ay nais na mag-resign. Kailan bang lumapit sa patronato para gawin ito online?
Oktubre 21, 2016 – Simula noong Marso, kung magtatapos ang employment dahil sa pagbibitiw ng worker o kahit sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pagitan ng employer at worker (ito ay tinatawag na risoluzione consensuale) ay kailangang sundin ang isang proseso upang gawing opisyal at balido ang pagtatapos ng employment.
Ang worker, sa katunayan, ay dapat na magpadala ng angkop na form online sa pamamagitan ng website ng Ministry of labor, www.lavoro.gov.it, kung nagtataglay ng Pin code na ibinibigay ng Inps, kung hihingin.
Maaari rin, sa tulong ng mga authorized office o patronati, ay i-fill up at ipadala ang form online.
Sa pamamaraang ito, kung saan hindi kabilang ang ilang uri ng employment partikular ang mga colf at mga nagdadalang tao pati na rin sa unang tatlong taon ng kanilang anak, ay layuning labanan ang hindi regular na resignation.
Ang domestic job tulad ng mga colf, caregiver o babysitter na nais magbitiw sa trabaho ay kailangang sundin ang ibang pamamaraan upang mapatunayan ang pagbibitiw sa pamamagitan ng Direzione Territoriale del Lavoro o ang Centro per l’Impiego Territoriale o sa madaling salita, ang paggawa ng deklarasyon sa pamamagitan ng comunicazione di cessazione na ipinapadala sa Inps ng employer (Legge 28 giugno 2012, n. 92)
Sa lahat ng mga kaso (online o validated), ang employer, ay dapat, sa loob ng limang araw ng pagtanggap ng resignation letter o sulat ng pagbibitiw, ay ipaalam ang pagtatapos ng employment sa Inps sa pamamagitan ng angkop na pamamaraan.
ni: Atty Mascia Salvatore
isinalin sa tagalog ni: PGA