in

Overstay sa Italya, ano ang panganib sa muling paglabas ng Pilipinas?

Tumaas ang halaga ng gastusin para sa repatriation ng mga migrante na nahuhuling undocumented o hindi regular ang pananatili sa Italya.

Ang aking kasintahan ay dumating sa Italya bilang isang turista ngunit nanatili dito ng higit kaysa sa nasasaad sa kanyang entry visa. Ngayon ay babalik na sa Pilipinas. Maaari bang magkaroon ng problema sa kanyang paglabas sa Italya? 

Ang Immigration o ang frontier control ay obligasyong lagyan ng timbro ang pagpasok at paglabas sa bansa, inilalagay ang eksaktong petsa at POE port of entry (o exit) sa pasaporte ng dayuhan na pumapasok at lumalabas ng Italya o ng Europa.

Kung ang identification ng dayuhan na nag-overstay o nanatili ng higit kaysa sa panahong nasasaad sa entry visa, ay naganap habang papalabas ng Italya ay hindi  pagbabayarin ng itinakdang multa ang dayuhan. Hindi rin bibigyan ng anumang order of expulsion.

Subalit, sa muling pag-aaplay ng tourist visa, ang consular office ay maaaring humingi ng paliwanag ukol sa overstay at batay dito ay susuriin kung ang aplikante ay maituturing na migration risk. Sa katunayan, sa kasong ituring na migration risk ang aplikante, ay maaaring denied ang visa at ang aplikante ay maaaring i-report sa Schengen Information System (SIS).

May access sa SIS ang lahat ng bansa na bahagi ng Schengen agreement, at dahil dito ang dayuhan sa pag-aaplay ng tourist visa para sa ibang Schengen country ay maaaring magkaroon ng problema sa releasing ng visa.

Bukod dito, ipinapaalala na kahit ang mga mamamayang buhat sa bansang pumirma sa bilateral agreement kasama ang Italya (o ang EU) partikular sa entry visa, ay napapailalim pa rin sa isang limitasyon ng tatlong buwan ang short stay.

Kahit sa kasong ito, sa frontier control ng mga dokumento ay maaaring ituring ang dayuhan bilang migration risk at tanggihan ang kanyang pagpasok sa bansa.

Ipinapaalala na ang hindi pinahihintulutan ang extension ng karampatang awtoridad sa tourist visa o ang mag request ng bagong visa habang ang dayuhan ay nasa Italya maliban na lamang sa kaso ng dokumentadong emerhensya.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Improving oneself has no time, age nor boundaries” – IParamedici

Pinoy, arestado dahil sa pagpaputok ng baril sa loob ng bahay