Ang mga benepisyo ay matatanggap lamang sa pagkakaroon ng mga kundisyon na hinihingi ng batas. Samantala, ang future Mom ay hindi maaaring tanggalin sa trabaho dahil sa kanyang pagbubuntis.
Tulad ng lahat ng mga manggagawa, ang mga domestic workers, caregivers o babysitters na nagbubuntis ay mayroong karapatan sa obligatory maternity leave, sick leave at kahit anticipated maternity leave (mapanganib na pagbubuntis). Ang Inps obligatory maternity leave ay tumatagal ng limang buwan at tulad ng nasasaad sa artikulo 25 ng national collective domestic job contract ay pinagbabawalang obigahang mag-trabaho ang colf sa loob ng limang buwang nasasakop nito.
Karaniwang ito ay dalawang buwan bago at tatlong buwan maka-panganak ng isang working future Mom. O sa ikalawang kaso, isang buwan bago at apat na buwan pagkatapos manganak na nangangailangan naman ng medical certificate mula sa sariling gynaecologist. Sa panahon ng maternity leave, ang Inps ang nagbibigay ng maternity allowance sa working Mom at walang anumang gastos mula sa employer.
Tulad ng lahat ng mga manggagawa, ang mga colf ay maaari ring pakinabangan ang anticipated maternity leave, o mas kilala sa tawag na maternità a rischio.
Ito ay natatanggap sa pamamagitan ng dalawang kaso:
(1) ang gynaecologist na kinikilala ng Asl, ay magbibigay ng sertipiko na nagpapatunay na ang kalusugan ng Ina ay wala sa angkop na kondisyon upang panatilihing magtrabaho kahit pa man bago sumapit ang obligatory maternity leave.
(2) ang labor inspector o ispettorato ang magpapatunay sa sitwasyon at magbibigay indikasyon ukol sa trabaho. Samakatwid, ang labor inspector ang magpapatunay na ang lugar at ang uri ng trabaho ay hindi angkop sa isang nagdadalang-tao at maaaring maging sanhi ng panganib sa pagbubuntis.
Ang mga benepisyo: leave at allowance ay matatanggap lamang sa pagkakaroon ng mga kundisyon na hinihingi ng batas.
Para matanggap ang mga ito, ang future Mom ay kailangang nakapagtrabaho ng 52 linggo o isang buong taon, dalawang taon bago ang mag-aplay ng maternity leave o 26 linggo sa naunang taon.
May karapatan ang future Mom sa 80% ng kanyang buwanang sahod at tulad ng nabanggit, ang Inps ang magbibigay nito. Ang employer, sa katunayan, ay hindi obligadong bayaran ang allowance kahit na ang kontribusyon para sa social security. Samantala, nananatiling obligasyon ng employer ang tuluy-tuloy na tfr, ferie at 13th month pay, kahit sa panahon ng leave ay kabilang sa karapatan ng worker. Dahilan sa patuloy na pagbibigay ng busta paga (sa mga mayroon nito) ng employer kahit na ‘stipendio 0’.
Ang future Mom ay hindi rin maaaring tanggalin sa trabaho dahil sa kanyang pagbubuntis maliban na lamang kung sya ay buntis na bago pa man ang hiring at ito ay inilihim sa employer.
Samantala, ang mga future Dad ay may karapatang lumiban ng dalawang araw sa trabaho dahil sa panganganak ng asawa. Ang dalawang araw na ito ay 100% na babayaran ng employer.