in

Paano at mula kailan makakaboto ang isang naturalized Italian citizen?

Ang karapatang bumoto ay kinikilala sa lahat ng mga mamamayang Italyano mula edad na 18 (o 25 para sa Senado).

Samakatwid, kahit ang mga naturalized Italians na may sapat na edad, o mula 18 anyos, ay awtomatikong nagkakaroon ng tinatawag na karapatang bumoto, na ang tanging karagdagang requirement ay ang paninirahan sa Italya o kabilang sa AIRE – Anagrafe degli Italiani residente all’estero o Talaan ng mga Italyano na naninirahan sa ibang bansa.

Gayunpaman, sanhi ng diskwalipikasyon at hadlang sa karapatang nabanggit ang pagkakaroon ng kaso at hatol ukol sa seguridad at prebensyon.

Samakatwid ang bawat mamamayang Italyano ay nakatala sa liste elettori o electoral roll sa Comune kung saan residente, nang hindi nangangailangan ng anumang request ng pagpaparehistro. Ang liste elettori ay ina-update tuwing: 

  • June at December ng bawat taon upang maisama sa listahan ang mga mamamayang nagiging 18 anyos sa sumunod na anim na buwan, at upang matanggal ang mga mamamayang ‘non reperibili’ o hindi na makontak na mga mamamayan;
  • January at July para sa paga-update sa kaso ng mga pagkamatay, paglipat sa ibang Comune, pagkawala ng karapatang bumoto, pagkakaroon o pagkawala ng italian citizenship.

Bilang karagdagan sa mga nabanggit na rebisyon, sa kaso ng pagkakaroon ng Halalan, ay mayroong karagdagang paga-update ng lista na nagsisimula ng halos 50 araw bago ang petsa ng halalan at magtatapos ng 15 araw bago ang halalan.

Samakatwid, ang mga pinagkalooban ng Italian Citizenship ay maaaring mapabilang sa liste elettori o electoral roll sa ordinary revision (January at July taun-taon) at bago ang pagsapit ng eleksyon upang magamit ang karapatang bumoto . 

Ang tessera elettorale ay ipinapadala sa home address ng bagong mga tala, at mayroong abiso sakaling hindi maabutan sa bahay para sa pagkuha nito sa postal office.

Kahit sa pagkawala ng karapatang bumoto ay nagbibigay abiso din, at maaaring magsampa ng apela sa Commissione Elettorale Circondarie.

Bukod dito, ay maaaring suriin ang pagkakatala sa liste o electoral roll sa pamamagitan ng mga counter ng Ufficio Elettorale sa Comune kung saan residente. 

Atty. Federica Merlo

Basahin din:

Anu-ano ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng Italian Citizenship?

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Magkasintahang Pinoy, biktima ng pagsabog sanhi ng gas leak sa Siracusa

Paano malalaman ang estado ng aplikasyon ng Regularization?