in

Paano at saan ihahayag ang mga colf at care givers na naka live-in sa questionnaire ng Istat?

Ang lahat ay depende kung paano irerehistro sa Registrar ang mangagawa. Mga paglilinaw ng iba’t ibang kaso na ibinigay ng Assindatcolf

altRome – Kapag sinagutan ko ang questionnaire ng Census, paano ko ihahayag ang aming care giver? Ang babysitter na nakatira sa amin ay sa listahan A o B ba kabilang? Dumating sa aming bahay ang dalawang questionnaires, ang isa ay para sa amin at ang isa ay para sa colf , ano ang aking gagawin?

Ang mga ito ay ilan sa mga katanungan na dumating noong nakaraang linggo sa toll free number ng ASSINDATCOLF, ang Association ng mga employer ng domestic jobs. Marami (lalo na ang matatanda) ang hindi alam kung paano sasagutan at kung saan ihahayag ang mga manggagawang naka stay-in sa questionnaire ng Census. “Ipinaabot namin ang mga pangunahing katanungan sa Istat, at ipinaliwanag naman kung paano sasagutan ang iba’t ibang kaso”, pahayag ni Teresa Benvenuto, ang presidente ng asosasyon.

Narito ang paliwanag mula sa  Istat:

– Kung ang kasambahay ay nakarehistro sa Registrar sa parehong form ng pamilyang pinaglilingkuran, isang questionnaire lamang ang darating sa pamilya; ang manggagawa ay dapat na nasa List A kasama ng ibang miyembro ng pamilya at, para sa individual sheet, sa tanong bilang 1.1 ng Seksyon II, dapat lagyan ng X ang kahon bilang 17 “Ibang taong kapiling sa bahay na hindi ka-pamilya o kamag-anak.”

– Kung ang kasambahay ay nakarehistro sa Registrar sa isang hiwalay na form (naka-bukod sa pamilyang pinaglilingkuran), ang kasambahay ay makakatanggap ng isang bukod na questionnaire bilang isang pamilya (magre-resulta na 2 pamilya) samakatwid ay dapat sagutan ang dalawang magkahiwalay na mga questionnaires;

– Kung ang kasambahay naman ay hindi pa naka-rehistro sa Registrar, maaaring isama sa questionnaire ng pamilyang pinaglilingkuran at para sa individual sheet, sa tanong bilang 1.1 ng Seksyon II, dapat na lagyan ng X ang kahon bilang 17 “Ibang taong kapiling sa bahay na hindi ka-pamilya o kamag-anak.” Sa kabilang banda, kung ang kasambahay ay nagnanais na siya’y nakahiwalay, maaaring humingi ng isang reserbang questionnaire sa mga centers ng Munisipyo na nangungulekta nito (Foglio di famiglia non personalizzato-questionario di scorta), at sagutan ito bilang isang pamilya (sa ganitong kaso ay magre-resulta rin na 2 ang pamilya).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Labing-anim na taong pagkakabilanggo para kay Winston

Kilalanin ang mga kandidatong Filipino sa halalan sa Padova!