Magandang umaga po! Ako ay regular na residente sa Italya. Ako ay nagtapos sa Pilipinas at nais ko pong malaman kung ano ang aking dapat gawin upang mabigyang-bisa ang aking degree sa Italya?
Roma – Hunyo 18, 2015 – Ang kwalipikasyon o kursong tinapos o degree na nakuha sa labas ng Italya ay walang legal na halaga sa Italya, maliban kung mayroong partikular na kasunduang internasyunal sa Pilipinas o kung nagtapos sa isang paaralan na kinikilala ng Italya.
Ang pamamaraan ay nag-iiba batay sa dahilan ng hinihinging aknowledgement:
- magpatuloy ng pag-aaral sa Italya (para sa mga PhD postgraduate tulad ng master)
- magamit ang propesyon (engineer, architect, accountant, atbp).
Sa parehong nabanggit na kaso ay kakailanganin ang official translation ng titolong nakamit na dadalhin sa italian embassy sa Pilipinas upang magkaroon ng tinatawag na “dichiarazione di valore in loco” o DV (sa embahada ng Italya ay mayroong itinalagang student office) at pagkatapos ay kailangang ipa-legalized. Maaaring, pagkatapos hingin ang acknowledgement sa angkop na tanggapan, sa pamamagitan ng paglalahad ng dichiarazione in loco at ng dokumentasyon na nagpapatunay ng mga pasadong eksamen ay kakailanganin ang sumailalim ulit sa mga karagdagang pagsusulit.
Kung hinihingi ang pagkilala upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Italya ay kailangang makipag-ugnayan sa Provincial Education Office.
Samantala, kung nais naman ang magpatuloy ng kurso sa unibersidad o masteral o PhD, ang aplikasyon ay kailangang isumite sa adminsitrative office ng napiling unibersidad.
Ang pagkilala sa pinag-aralan para sa trabaho
Sa kasong ang pagkilala sa titolo ng tinapos na kurso ay para makapag-trabaho, ay kailangang dalhin ang aknowledgement application sa concerned Ministry.
Halimbawa, para sa propesyon ukol sa kalusugan ang Ministry of Health, para sa mga legal na propesyon ay ang Ministry of Justice. Kung ang dokumentasyon ay wasto at kumpleto, ang concerned Minsitry, sa pamamagitan ng dekreto ay ilalathala sa Official Gazette ng Italya ang pagkilala sa kwalipikasyon. Pagkatapos ng pagkilala, ang dayuhan ay maaaring magpatala sa listahan ng professional registry, kung mayroong angkop na rehistro o talaan ng propesyong nais. Sa ilang mga kaso, ay maaaring magkaroon ng karagdagang requirement upang ganap na kilalanin ang degree tulad ng internship.