in

Paano gagawin ang cambio di residenza online? 

decreto-flussi-ako-ay-pilipino

Simula noong April 27, 2022, sa website ng ANPR (Anagrafe Nazionale della popolazione residente) – ay maaaring gawin ang cambio residenza online nang hindi na personal na magpupunta sa Ufficio Anagrafe.

Para sa cambio di residenza – sa parehong Comune o sa ibang Comune – ay kailangan ang pagkakaroon ng SPID, o ng CIE (Carta d’Identità Elettronica) o ng CNS (Carta Nazionale dei Servizi). 

Narito ang mga hakbang na dapat gawin:

  1. Una sa lahat ay kailangan ang magpunta sa website ng ANPR.
  2. Pagkatapos ay i-click sa kanan ang: Accedi ai Servizi del Cittadino at mag-access gamit ang digital identity. 
  3. Pagkapasok, ay ilagay ang email address at telephone number sa sariling profile. Kumpirmahin sa pamamagitan ng matatanggap na email
  4. Sa servizi attivi, i-click ang: richiedi un cambio di residenza
  5. Pagkatapos ay kailangang i-click ang Registra una dichiarazione

Sa seksyong ito ay matatanggpuan ang dalawang pagpipilian: 

  • Nuova Residenza – Dito ay posibleng gawin ang cambio residenza ng buong pamilya o ng ilang miyembro lamang; sa huling nabanggit ay mayrong 2 pagpipilian: a) Ililipat ang sariling residenza lamang o ng ilang miyembro ng pamilya sa isang bahay kung saan sa panahong iyon ay walang sinumang residente; b) Ililipat ang sariling residenza lamang o ng ilang miyembro ng pamilya sa isang bahay kung saan may naninirahan ng ilang tao na walang anumang relasyon sa iyo:
  • Kung pipiliin ay ang Residenza in famiglia esistente, ito ay nagpapahintulot ng pag-aaplay ng residenza ng lahat ng pangalang inilagay sa form sa address kung saan ang pamilya na residente ay kamag-anak.  Sa pamamagitan ng pagpiling ito, ay kakailanganing tukuyin ang miyembro ng pamilya kung saan nais na maging bahagi ng Stato di famiglia.

6. Pagkatapos ay idedeklara na:

  • nabasa ang impormasyong napapaloob sa gabay sa paggawa ng deklarasyon – pdf;
  • hindi nagpadala ng mga mali, peke at di wastong pahayag;
  • na hindi naglakip ng dokumentasyong hindi nauugnay sa deklarasyon ng paninirahan. 

7. Pagkatapos ay kailangang tukuyin ang lahat ng mga personal datas at ilakip ang mga hinihinging dokumentasyon tulad ng balidong ID at contratto di affitto.

8. Kung kumpleto na ang mga detalye ay ipadala ang dichiarazione di cambio di residenza. 

Gaano katagal ang kinakailangang panahon para sa cambio di residenza online? 

Sa loob ng 45 araw, ang request ay posibleng natanggap at naaprubahan na. Sa ganitong kaso, ay walang matatanggap na anumang komunikasyon. Samantala, kung ang request ay pansamantalang suspended, ay kailangang maglakip sa request ng karagdagang dokumentasyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Turismo, kulang ang mga manggagawa sa Italya 

Ako Ay Pilipino

Maaari bang magtrabaho sa ibang bansa sa EU ang may permesso di soggiorno na inisyu sa Italy?