in

Paano ipagdiriwang ang araw ng Pasko batay sa decreto Natale?

Pasko Ako ay Pilipino

Nilagdaan na at inanunsyo ni Punong Ministro Giuseppe Conte ang bagong DPCM at ang pagpapatupad nito simula ngayong araw, Disyembre 4 hanggang Enero 15, 2021. 

Ayon kay Conte, ay napakahirap bigyang limitasyon ang social gathering sa panahon ng Kapaskuhan, ngunit ito umano ay kinakailangang gawin upang maiwasan ang third wave sa pagtatapos ng mga okasyon. 

Narito ang sagot sa katanungan ng marami kung paano ipagdidiwang ang araw ng Pasko ngayong 2020. 

Maaari bang bumisita sa bahay ng kamag-anak sa panahon christmas vacation?

Maaari naman, maliban na lamang kung ang mga kamag-anak ay naninirahan sa ibang Rehiyon dahil mula Dec 21 hanggang Jan 6, ay ipinagbabawal ang sirkulasyon mula at para sa ibang rehiyon, anuman ang kulay nito: gialla, arancione o rossa man. Maliban na lamang kung babalik sa rehiyon kung saan residente, o di kaya sa rehiyon kung saan regular na naninirahan o dahil sa trabaho, kalusugan o pangangailangan. Bukod dito, sa araw ng Dec 25, 26 at Jan 1 ay bawal din ang lumabas sa sariling Comune. Ipinagbabawal din ang pagpunta sa second house.

Kaugnay nito, hindi itinalaga ang maximum na bilang ng tao sa isang table sa araw ng mga holidays. Ngunit mabigat ang rekomendasyon na ang lunch at dinner sa mga okasyong nabanggit ay para lamang sa mga ‘conviventi’ o magkakasama sa bahay. 

Bukod dito, para sa mga kamaganak na nasa RSA o mga assisted health residences, ang access sa mga bibisitang kamag-anak ay limitado lamang sa mga kasong papahintulutan ng bawat pamunuuan ng mga nabanggit. 

Gayunpaman, sa pagbisita sa mga kama-anak sa lugar, araw at oras na may pahintulot, ipinapaalala para sa proteksyon ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsunod sa 1 metrong distansya, pagsusuot ng mask at siguraduhing malinis ang mga kamay sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay at pagamit ng hand sanitizer.

Maaari bang kumain sa labas o sa restaurant sa araw ng mga okasyon? 

Ito ay batay sa kulay kung saan naninirahan dahil ang mga bar at restaurant ay bukas sa zona gialla, bukas sa publiko mula 5am hanggang 6pm, kahit araw ng Pasko, Santo Stefano (Dec 26) at Epiphany (Jan 6). Paalala: May pahintulot lamang hanggang 4 na katao bawat table kung hindi ‘conviventi’. Sa zona arancione at rossa, ay bukas lamang ang mga restauramt para sa take out hanggang 10pm at deliveries. Ang mga restaurant naman sa loob ng mga hotels ay magsasara mula 6pm sa Dec 31 hanggang 7am ng Jan 1, at room service lamang sa mga oras na nabanggit. 

Mayroon bang Christmas mass?

Walang inanunsyo na suspendido ang mga religious activities.  Ang christmas mass ay inaasahang magsisimula mula 8pm ng Dec 24, upang makabalik sa sarili ng tahanan pagsapit ng 10pm dahil sa curfew. Bukod dito, inirekomenda sa Conferenza Episcopale na gawin ng mga parokya ang mga religious activities sa buong araw ng Pasko upang maiwasan ang ‘assembramenti‘ at palaging sundin ang mga protocols. 

Maari bang mag-shopping? 

Oo. Simula Dec 4 hanggang Jan 6 ay bukas ang lahat ng mga negosyo sa buong bansa hanggang 9pm. Samantala, hanggang January 15, tuwing weekends ang mga malls o centri commerciali ay sarado at mananatiling bukas lamang ang mga pharmacies, markets, nespaper stands, tobacco shops

Bukod sa mga nabanggit sa itaas ay inaasahan sa mga susunod na araw ang paglabas ng FAQs mula sa Ministry of Interior na makakatugon sa mas detalyado at kumplikadong katanungan ukol sa mga nalalapit na pagdiriwang. (PGA)

Basahin din:

  • Decreto Natale, narito ang nilalaman https://akoaypilipino.eu/balita/italya/decreto-natale-narito-ang-nilalaman/
  • DPCM ng Nov 3, pirmado na! https://akoaypilipino.eu/balita/italya/dpcm-ng-nov-3-pirmado-na/

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

codice fiscale Ako ay Pilipino

Codice Fiscale: Gabay para sa mga dayuhan sa Italya

Ako ay Pilipino

3 Rehiyon sa zona arancione at 5 Rehiyon sa zona gialla