in

Paano ko makukuha ang aking magulang sa pamamagitan ng family reunification?

Gusto kong papuntahin dito sa Italya ang aking ama. Anu-ano po ang mga requirements para sa family reunification ng isang magulang? 

 

Batay sa kasalukuyang batas, ang mga dayuhang regular na naninirahan sa Italya ay maaaring mag-aplay ng family reunification para sa kanilang mga magulang kung:

1) ang dependent na magulang ng aplikante ay wala ng ibang anak sa Pilipinas;

2) ang mga magulang na may edad higit 65 anyos ay may ibang anak sa Pilipinas, ngunit hindi maaaring tustusan ang mga ito “dahil sa matinding karamdaman”.

Mahalagang tandaan na upang makuha ang mga magulang na may edad higit sa 65 anyos ay nasasaad ang isang karagdagang obligasyon kumpara sa ibang miyembro ng pamilya. Sila ay kailangang mayroong health insurance na magbibigay ng lahat ng coverage sa Italya o ang magpatala sa Servizio Sanitario Nazionale sa pamamagitan ng pagbabayad ng kontribusyon, ngunit ang huling nabanggit ay ipinatutupad lamang sa ilang rehiyon sa bansa tulad ng Emilia Romagna, Veneto at Lombardia. 

Tulad sa lahat ng kaso ng family reunification, ay kinakailangang patunayan ang relasyon ng aplikante sa kinukuhang miyembro ng pamilya mula sa Pilipinas. Samakatwid, anuman ang sitwasyon sa dalawang nabanggit sa itaas, kailangan pa ring isumite ang mga sertipiko buhat sa Pilipinas, translated at legalized ng Italian authorities upang makumpleto ang proseso ng family reunification. Sa kasong mayroong “makatwirang pagdududa” buhat sa awtoridad ukol sa relasyon o antas ng pagkakamag-anak, marahil dahil sa kawalan o kakulangan ng mga sertipikong magpapatunay dito ay maaaring hingin ang DNA test at matapos lamang matanggap ang resulta nito ay maaaring magpatuloy sa proseso ng family reunification. 

Bukod sa grado ng relasyon, ang health insurance, ang family reunification para sa mga magulang ay nangangailangan pa rin ng ilang requirements na itinalaga ng batas tulad ng angkop na sahod at tirahan para sa mga magulang sa pananatili sa Italya. 

Para naman sa sahod, ang salary required ay kailangang katumbas ng social allowance o assegno sociale at karagdagang kalahati ng halaga nito sa bawat kukuning pamilya.

Ang ukol naman sa alloggio o tirahan, tulad sa lahat ng mga kaso ng family reunification, ay kailangang batay sa hygienic and sanitary requirement at angkop tirahan na pinatutunayan ng tanggapan ng comune. Samakatwid, ang dayuhan ay kailangang mayroong “certificato di idoneità alloggiativa”. 

 

Basahin rin: 

Required salary ng family reunification para sa taong 2017

Ang tamang sukat ng bahay sa pag-aaplay ng family reunification

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Submission ng application sa Servizio Civile, extended hanggang July 8.

Migranteng hindi makabayad, pinapatay para maibenta ang internal organs