Ilang buwan na ang nakakalipas, ako ay nagsumite ng aplikasyon para sa nulla osta ng family reunification sa pagpunta sa Italya ng aking asawa. Wala pa ring resulta hanggang ngayon. Ano ang dapat kong gawin?
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang nulla osta para sa family reunification ay dapat ibigay sa loob ng 180 days o anim na buwan matapos isumite ang aplikasyon sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Sa kasong hingan ng karagdagang dokumento, ang palugit na 180 dyas ay inihihinto at nagsisimulang muli sa araw ng pagsusumite ng aplikante ng karagdagang dokumento.
Makalipas ang 180 days na nakalaan para sa dokumentasyon, kung ang Sportello Unico per l’Immigrazione ay hindi nagpatuloy sa pagbibigay o pagtanggi sa nulla osta. Ang aplikante ay maaaring mag-follow up sa tanggapan upang magpatuloy sa pagbibigay o pagtanggi sa nulla osta. Ang sollecito o follow up ay maaaring gawin sa pamamagitan ng registered mail, kung saan nasusulat ang mga detalye ng aplikasyon at kahilingan na magbigay ng kasagutan ukol dito.
Sa mga urgent cases o kung hindi sapat ang follow up, ang aplikante ay maaaring magreklamo laban sa Sportello Unico upang gumawa ng aksyon para sa aplikasyon. Ito ay tinatawag na ‘diffida’. Ito ay isang written communication na itinuturing na pagtatanggol sa sarili na ipadadala sa pamamagitan ng registered mail. At kung ang paraang ito ay hindi rin sapat, lumapit sa isang abugado upang simulan ang isang legal action.
Sa nakaraan, bago ang ginawang susog sa pamamagitan ng pacchetto sicurezza noong 2009 sa teksto ukol sa family reunification, ang katahimikan o hindi pagbibigay kasagutan ng Sportello Unico ay nangangahulugan ng awtomatikong pagtanggap sa aplikasyon.
Ang nakaraang batas naman ay nagpapahintulot sa miyembro ng pamilya na residente sa ibang bansa at kung para kanino ina-aplay ang family reunification, na direktang magtungo sa Italian Embassy upang mag-aplay ng entry visa, dala ang kopya ng dokumento na isinumite saSportello Unico sa Italya lakip ang resibo ng pagsusumite nito, makalipas ang 90 araw na nasasaad noon para sa Sportello Unico sa pagsusuri ng aplikasyon. Ito ay hindi na maaari sa ngayon.
ni: D.ssa Maria Elena Arguello
isinalin sa tagalog: PGA