in

Paano mag-aaplay ng NBI CLEARANCE ang mga Pilipino sa Italya?

Nais ko pong mag-apply ng italian citizenship at isa sa requirement nito ay ang NBI Clearance mula sa Pilipinas. Maaari ba akong hindi magkaroon nito ng hindi uuwi sa Pilipinas? 

Ang mga Pilipino sa Italya ay maaaring mag-aplay ng NBI clearance sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma o ng Konsulado Heneral sa Milan.

Ang NBI clearance ay isa sa mga pangunahing dokumentasyon sa pag-aaplay ng italian citizneship.

Bagaman hindi ang Embahada ng Pilipinas sa Roma o ang Konsulado sa Milan ang nagpo-proseso nito, ngunit sa pamamagitan ng mga nabanggit na tanggapan ay makakapag-aplay ang mga Pilipino sa Italya at mailalagay ang mga fingerprints ng aplikante sa NBI Fingerprint Card Form.

IMatapos ang nasabing proseso sa Italya, ito ay isusumite sa pamamagitan ng isang kamag-anak o authorized person sa Pilipinas, (na mayroong SPA) sa tanggapan ng NBI sa Office of the Identification and Records Division (IRD), 4th Floor, NBI Clearance Building, UN Ave., Manila.

Ang mga requirements sa Embahada ay ang mga sumusunod:

1. pasaporte

2. Isang black and white picture size 2″ x 2″ na mayroong white background  (kuha tatlong buwan bago ang aplikasyon).

3. Pangalan ng kamag-anak na bibigyan ng SPA.

Para sa aplikasyon ng citizenship, kasama ng NBI clearance ay isusumite rin ang PSA birth certificate.  Ito ay kinakailangang authenticated (Red Ribbon) sa Department of Foreign Affairs, at kinakailangang translated at authenticated (validation at legalization) din ng Italian Embassy sa Pilipinas.

Bagaman ang validity ng NBI clerance ay isang taon mula sa petsa ng issuance nito, ipinapaalala na na sa Italya ay anim na buwan lamang ang pinahihintulutang validity ng nasabing dokumento mula sa Pilipinas

 

Basahin rin:

Kailan kailangan ang Police clearance mula sa Pilipinas sa pag-aaplay ng italian citizenship?

Italian Citizenship, ang mga requirements sa taong 2019

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gumamit ng ibang pangalan sa deportasyon sa nakaraan. Tatanggihan ba ang permit to stay?

Carta di Soggiorno mula sa ibang bansa ng EU, balido ba sa pagta-trabaho sa Italya?