in

Paano magkaroon ng Green Pass?

Matapos aprubahan ng European Parliament kamakailan ang regulasyon sa paggamit ng Digital Green Certificate at pirmahan ngayong araw ang DPCM ni Mario Draghi para sa pamamaraan ng pag-iisyu nito sa Italya, ang kilala rin sa tawag na Green Pass ay simula na ang paggamit sa July 1, 2021. Ito ay inaasahang magpapadali sa malayang pagbibiyaheng muli sa Europa at makakatulong sa ligtas na pagtatanggal ng mga restriksyon matapos ang krisis hatid ng pandemya.

Sino ang maaaring magkaroon ng Green Pass

  • mga nabakunahan ng first dose single dose;
  • mga nakakumpleto ng dalawang doses ng bakuna kontra covid;
  • mayroong negative result sa PCR Molecular test o Rapid test;
  • Gumaling sa Covid19;

Validity ng Green Pass

Ang validity ng digital green certificate ay iba-iba.

Para sa mga nabakunahan ng first dose, ang certificate ay maaaring makuha 15 araw makalipas mabakunahan at ito ay balido hanggang sa ikalawang dose.

Sa kasong nakakumpleto na ng dalawang dose, ang Certificate ay makukuha ilang araw makalipas at ito ay balido ng 270 days o halos 9 na buwan mula sa petsa ng huling bakuna.

Sa kasong single dose ang bakuna, ang Certificate ay makukuha ika-15 araw makalipas ang bakuna at balido ng 270 days o halos 9 na buwan.

Sa kaso ng negative result, ang Certificate ay makukuha ilang oras makalipas ang swab test (Molecular o Rapid) at balido ng 48 oras mula sa oras ng test.

Sa kaso ng paggaling sa Covid19, ang Certificate ay makukuha sa susunod na araw, at balido ng 180 days o anim na buwan.

Paano magkakaroon ng Green Pass

Ang mga certificate ng mga nabakunahan kontra Covid19 hanggang June 17 ay magiging available sa June 28 sa online platform ng gobyerno na nakalaan para sa releasing ng mga certificate:

Bukod sa digital format nito, ito ay maaari ring i-request sa mga medico di base, pediatrician o farmacia gamit ang tessera sanitaria.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnay sa Numero Verde ng App Immuni 800.91.24.91 – aktibo mua 8:00 am hanggang 8:00 pm.

Ang certificate ay nagtataglay ng QR Code na magpapahintulot sa pagsusuri ng authenticity at validity nito. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 9 Average: 4]

Ako Ay Pilipino

Green pass, pirmado na ang DPCM

Ika-123 taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, ipinagdiwang sa Italya