in

Paano magkaroon ng SPID? Narito ang bagong pamamaraan ng pag-aaplay

Ako Ay Pilipino

Ang SPIDSistema Pubblico di Identità Digitale ay tumutukoy sa iisang username at password na magpapahintulot sa access sa lahat ng mga online services ng Public Administration

Simula 2021 ay unti-unting tatanggalin ang paggamit ng iba’t ibang username at password sa iba’t ibang online access ng mga ahensya ng pamahalaan. At simula October 2021, ay SPID na lamang ang tanging gagamitin, kasama ang CIE o carta d’identitò elettronica.

Ang SPID ay ibinibigay ng mga authorized identity provider. Upang magkaroon ng SPID ay kakailanganin ang mga sumusunod:

  • Email;
  • Cellular telephone number;
  • Balido dokumento (carta d’identità, pasaporte, driver’s license, permesso di soggiorno);
  • Tessera sanitaria (cofice fiscale)

Ang SPID na ibinibigay ng iba’t ibang provider ay iisa at walang pinagkakaiba. Sa pag-aaplay nito, ay kailangang sundin ang mga sumusnod na hakbang:

  • Mag-register sa official website ng provider;
  • Kailangang sagutan ang mga forms gamit ang personal details;
  • Pagkatapos ay matatanggap na ang credentials ng SPID sa pamamagitan ng email o registered mail. 

Narito ang mga Identity provider:

Malayang makakapili ng provider. Ang ilan sa mga nabanggit ay libre samantalang ang iba naman ay may bayad.

Bagong pamamaraan ng pag-aaplay ng SPID

Inaprubahan na ng Garante della Privacy ang bagong pamamaraan sa paghingi ng Spid. Ang sistemang ito ay maaari ng gamitin upang mas mapadali ang proseso ng pag-aaplay kahit hindi personal o kahit malayuan ang aplikasyon, ng walang anumang hadlang. 

Narito ang proseso at dapat na gawin ng aplikante:

  • Mag-register sa official website ng napiling provider;
  • I-activate ang audio at video. Sa oras na iyon ay maaaring anyayahan ang aplikante na magbigay ng datos at ipakita ang balidong ID;
  • Kailangang gawin ang bank transfer at isulat sa causale ang code o codice na natanggap mula sa provider;
  • Ang session ay magtatapos sa pamamagitan ng pagbabasa (ng may boses) ang code na natanggap vis sms, sa oras ng aplikasyon;
  • Pagkatapos ng session ay makakausap ang operator upang gawin ang pagsusuri sa lahat ng datos.

Gayunpaman, ang lumang paraan ng paghiling ng SPID ay hindi tinatanggal. Sa katunayan, maaari pa ring mag-aplay ng SPID sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • personal o sa pamamagitan ng pagkuha ng appointment sa operator;
  • digital signature;
  • carta nazionale dei servizi;
  • carta d’identità elettronica. (PGA)
Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

SPID, obligado simula 2021

scuola Ako ay Pilipino

Pagbabalik eskwela ng Scuola Superiore? Narito ang mga posibleng petsa.