in

Paano magpapatala sa SSN ang magulang na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification?

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino

Magandang umaga po, dumating ang aking magulang sa Italya sa pamamagitan ng family reunification. Nais kong malaman kung maaari ko syang ipatala sa SSN o National Health Assistance at paano.

 

Marso 14, 2016 – Ang mga dayuhang dumating sa Italya at nag-aaplay ng permesso di soggiorno per motivi familiari, kabilang ang mga over 65 na pumasok sa bansang Italya bago ang Nov 5, 2008, ay dapat na magpatala sa SSR o Servizio Sanitario Regionale (artikulo 34, talata 1 d.lgs. 286/98) upang makatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan.

Ang pagpapatala ng dayuhan sa mga Local Health Assistance o ASL ng Munisipyo kung saan nakatira at batay sa uri ng permit to stay. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng ‘iscrizione obbligatoria’ kung ang permit to stay ay nagpapahintulot sa obligadong pagpapatala sa SSR; o ‘iscrizione volontaria’ kung hindi kabilang sa nabanggit na listahan.

Ang pagpapatala, obbligatoria o volontaria, ay nagbibigay karapatan sa pantay na pagtingin at pantay na karapatan at obligasyon tulad ng mga mamamayang italyano.

Sa katunayan, sa mga dayuhan ay ibibigay ang European Health Insurance Card (EHIC) o Tessera Europea di Assicurazione Malattia (TEAM) na balido ng limang taon at awtomatikong nare-renew at ipinapadala sa huling idineklarang tirahan ng dayuhan. Ang nasabing card ay personal dahil nakasulat dito ang mga mahahalagang datos, bukod sa nagsisilbi rin itong fiscal code dahil ito ay mababasa sa magnetic code at bar code. Ang EHIC ay balido sa buong bansa at maging sa mga bansa sa Europa para sa maiikling panahon ng pananatili sa mga ito at nagpapahintulot upang makatanggap ng mga health services tulad ng mga riseta, mga gamot, lab analysis, medical check-ups at marami pang iba.

Ang dayuhan na nagtataglay ng permit to stay na nagpapahintulot sa obligadong pagpapatala sa SSR, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin nakatala, ay maaaring humingi ng health assistance sa anumang tanggapang pangkalusugan sa buong bansa. Sa ganitong kaso, ang tanggapan na mismo ang gagawa ng pagtatala, dahil sapat na ang pagkakaroon ng permit to stay at bibigyan ito ng validity simula sa araw ng pagpasok sa bansa tulad ng nasasaad sa Circolare n.5/2000 ng Ministry of Health.

Samantala, para naman sa mga dayuhang over 65, na dumating sa bansa pagkalipas ng Nov 5, 2008 sa pamamagitan ng family reunification ng mga anak, ayon sa batas upang magkaroon ng health assistance sa Italya ay mayroong 2 paraang pagpipilian:

  • Pagkaroon ng health insurance o polizza sanitaria na balido sa buong Italya at
  • Pagpapatala ng boluntaryo sa SSR.

Sa ikalawang nabanggit, isang kasunduan sa pagitan ng maraming rehiyon at ng gobyerno ang nagtalaga ng isang maliit na halaga sa boluntaryong pagpapatala.

Ang halagang € 387,34 ay dapat bayaran para sa mga may taunang sahod na mas mababa sa € 5165,00. Ito ay babayaran sa pamamagitan ng postal bill – c/c postale 370007 at nakapangalan sa: Tesoreria Provinciale dello Stato, Regione Lazio; causale: “Iscrizione al Servizio Sanitario Nazionale anno _________ “.

Gayunpaman, sa mas detalyadong impormasyon ay maaaring makipag-ugnayan sa ASL na kinabibilangan kung saan nagpatala ang dayuhan.

 

PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Young learners of English Week-end program, pinarangalan

Bagong sistema, magpapabilis ng OWWA Membership Processing sa Milan