Ako ay isang Filipino at nais kong simulan ang negosyo ng import-export . Ano ang mga pamamaraan para makakuha ng entry visa?
Roma – Pebrero 22, 2012 – Ang working visa para sa self-employment ay pinamamahalaan ng TU para sa imigrasyon (law. 286 ng 1998), Artikulo 26 at ng mga regulasyon sa pagpapatupad (DPR 394 ng 1999) Artikulo 39, ay pinapayagan ang pagpasok sa Italya, para sa isang maikli o mahabang pananatili, pansamantala o permanente, upang ang dayuhan ay maipagpatuloy ang isang propesyon , o isang negosyo, komersyal, kalakal o serbisyo bilang korporasyon o indibidwal, at maging corporate office.
Ang pagpasok ng bansa
Ang pagpasok sa Italya para sa self-employment, ay napapailalim sa Direct hire na nagpapahintulot sa mga dayuhang nagnanais pumasok sa bansa upang magtrabaho, subordinate man o self-employment, bukod dito ay nagsasaad din ng mga kategorya ng mga manggagawa upang magsimula ng negosyo bilang self-employed (hal sa huling direct hire ay hindi kabilang ang mga collaborators).
Kung mayroong mga ‘quotas’ para sa self-empolyment, ang procedures nito ay nag-iiba dipende sa aktibidad kung ito ay nabibilang sa mga dapat rehistrado sa tinatawag na ‘albo’ o mga aktibidad naman na hindi nabibilang sa mga dapat na rehistrado dito.
Mga aktibidad na nangangailangan ng pagpapatala o pagpaparehistro
Kung ang aktibidad na nais simulan, ay nangangailangang nakatala sa Rehistro ng mga Kumpanya at nangangailangan ng pagkakaroon ng permit o lisensya o registration sa isang rehistro, libro (albo), o ang pagsusumite ng isang pahayag o deklarasyon, at iba pang mga administrative requirements, ang dayuhan ay dapat mag-aplay sa mga concerned administrative office, kahit sa pamamagitan ng isang abogado (na mayroong authorization na translated at authenticated sa Italian Embassy sa sariling bansa), ng isang deklarasyon na hindi nagtataglay ng anumang hadlang sa pagkakaloob ng kwalipikasyon.
Kung hindi naman kailangan ng espesyal na permit o lisensya, ang deklarasyon na walang hadlang sa pagkakaloob ng kwalipikasyon ay ipinagkakaloob ng Chamber of Commerce sa lugar kung saan nais buksan ang isang negosyo.
Kailangan rin hingin sa Chamber of Commerce ang isang dokumento kung saan nasasaad ang mga itinalagang halaga upang simulan ang gawain.
Mga aktibidad na hindi nangangailangan ng pagpapatala pagpaparehistro
Kung ang aktibidad ay hindi kailangang itala sa Rehistro ng mga Kumpanya, at hindi rin nangangailangan ng mga lisensya at awtorisasyon, deklarasyon sa pagsisimula ng aktibidad, o pagpapatala sa ‘albo’ o rehistro (hal. Counsting service/office, na may kontrata ng coordination at continous collaboration), at hindi isang indibidwal lamang ang magpapatakbo nito, ang administration ang magbibigay ng mga deklarasyon at awtorisasyon sa mga dokumento na kinakailangan para sa entry visa tulad ng mga sumusunod:
a) isang angkop na kontrata, kung ito ay pirmado ng isang kumpanyang Italyano, na may sertipiko ng rehistrasyon sa Rehistro ng mga Kumpanya at, sa kaso ng dayuhang kasosyo, na may isang katulad na sertipiko na buhat sa Italian Embassy o Consulate.
b) kopya ng isang pormal na deklarasyon ng responsibilidad, na ibinigay o ipinadala ng kasosyong Italyano o ng kanyang legal na kinatawan sa Direzione provinciale del lavoro, servizio ispezione del lavoro kung saan nasasaad sa ilalim ng kontrata na hindi magtatalaga ang anumang subordinate job;
c ) Kopya ng huling financial statement na isinumite sa Rehistro ng mga Kumpanya, kung isang corporation o ang huling Incom tax return kung isang partnership o individual entrepreneur kung saan maaaring magresulta na ang halagang nalikom o kinita ay sapat upang upang masiguro ang pagbabayad.
Upang mag-apply para sa isang visa ay dapat din na ipapakita ang pagkakaroon ng angkop na tirahan, sa pamamagitan ng kontrata ng pag-aari o upa o hospitality certificates gayun din ang pagkakarooon ng sapat na halagang magagamit sa mga pangangailangan sa Italya. Ang kakayahang pinansyal na ito ay dapat na mas mataas kaysa sa minimum na antas na itinalaga ng batas para sa exemption sa mga gastusin ng Health Assistance at maaaring patunayan sa pamamagitan ng isang bank declaration, deklarasyon ng client o legal na kinatawan ng kumpanya.
Ang pahintulot ng Pulisya (Nulla Osta)
Ang mga papeles na kinakailangan para sa visa application, ay dapat isinumite sa awtoridad ng pulis (Questura) sa lugar kung saan, walang anumang hadlang, ang magi- isyu ng awtorisasyon para sa paglabas ng visa. Ang aplikasyon para sa awtorisasyon (nulla osta), na dapat ding apaabot sa mga pulis, ay dapat na lakipan ng lahat ng mga papeles na may kinalaman sa aktibidad na nais na umpisahan ng nag-iisa (autonoma), kabilang ang anumang awtorisasyon, mga pahayag at mga sertipiko na ibinigay ng mga concerned office.
Visa at pagpasok ng Italya
Pag hawak na ang awtorisasyon (nulla osta) mula sa mga pulis (Questura), ay maaari ng humiling ng visa sa Italian Embassy. Ang embahada, na kukunin ang lahat ng mga clearance ay ang magi-isyu ng visa. Pag nakuha na ang visa, ang dayuhan ang maaaring pumasok ng Italya at sa loob ng 8 araw ay dapat mag-aplay ng permit to stay na gamit ang kilalang Kit.