Paano makakapasok sa Italya sa pamamgitan ng vocational course at stage? Nabasa ko na ang pamahalaan ay inaprubahan ang 10,000 mga bagong entries ng mga dayuhan.
Rome – Bago pa man ang taong 2004, ang pagpasok sa Italya para sa pag-aaral at mga vocational courses ay hindi napapailalim sa quota. Sapat ng magpatala sa isang public school para sa mga vocational course at magsumite ng aplikasyon sa Konsulado/Embahada para sa entry visa. Isang nahahawig na pamamaraan para sa mga stages o internships sa mga kumpanya na matatagpuan sa bansa.
Matapos ang mga pagbabago sa pamamagitan ng batas, “Bossi-Fini” noong 2002 na ipinagtibay noong 2004, ang entry visa para sa pag-aaral at bokasyonal na pagsasanay ay maaari lamang na ibigay sa ilalim ng mga quota na ipinagtitibay taun-taon ng Ministry of Labour at Foreign Affairs at sa ilalim lamang ng ilang mga kundisyon.
ENTRIES PARA SA VOCATIONAL COURSE MULA SA MGA ACCREDITED ENTITIES Ang mga may edad na higit sa 18 ay maaaring magtuloy ng isang full-time vocational course at fixed term hanggang 24 buwan, kung ang pagsasanay na inumpisahan sa kanyang sariling bansa ay pareho ng uri ng kursong nais na kunin sa Italya.Ang mga kurso ay dapat ding ipinagkaloob ng mga publiko o pribadong institusyon na accredited ng Ministry at may ipagkakaloob na certification sa pagtatapos ng kurso na kinikilala naman ng Gobyerno.
Sa pag-apply para sa student visa, ay nararapat na isumite sa Konsulado ang certificate of enrollment at ang pasaporte gayun din ang mga katibayan ng pagkakaroon ng isang angkop na tirahan at ang pagkakaroon ng mapagkukunang pinansyal sa buong panahon ng kurso.
ENTRIES PARA SA STAGES SA MGA PRIVATE COMPANIES (Artikulo 27 talata 1 sulat. F) Pinahihintulutan ang pagpasok ng mga dayuhan sa kahilingan ng isang Italyanong kumpanya na may tanggapan o ang operasyon ay nasa Italya, sa isang pansamantalang pagsasanay o ang tinatawag na stage.
Ang nasyonal at rehiyonal na kautusan, na may kaugnayan sa pagsasanay at paggabay, ay sumasaklaw rin sa mga dayuhang mamamayang residente sa ibang bansa, na may ilang mga eksepsiyon na itinatag sa pamamagitan ng kautusan ng Ministry of Labour at Social Patakaran noong 22 Marso 2006.
Ang mga forms na dapat gamitin ay ang mga naka-attach sa dekreto, ngunit ipinapayo ang direktang pakikapag-ugnayan sa Regional Office dahil ang mga modelo ay maaaring maglaman ng mga pagbabago mula sa mga ipinahiwatig sa kautusan ng Ministry of Labour.
ANG PAMAMARAAN PARA SA STAGE Ang mga kumpanyang interesado para sa stage ng isang dayuhan na nakatira sa ibang bansa ay dapat na makipag-ugnay sa isang agency para sa isang kasunduan ng proyekto ng pagsasanay.
Ang mga employer na mayroong limang permanenteng mga empleyado ay maaaring mag-aplay para sa isang stage lamang. Ang mga kumpanya na mayroon namang mga permanenteng empleyado mula anim hanggang 19 ay maaaring mag-apply para sa 2 trainees ng sabay.
Ang mga kumpanya na may higit sa dalawampung permanenteng empleyado ay maaaring mag-apply ng mga trainees sa hindi hihigit sa 10% ng bilang ng kanyang mga empleyado. (end first part)