in

Pag-aalaga ng Pet, kasama ba sa trabaho ng mga colf?

Parami ng parami ang mga pamilya sa Italya ang mayroong alagang hayop o pet sa bahay. Karaniwang ang mga pamilya ay naghahanap ng taong mag-aalaga sa kanilang pet, partikular sa panahon ng summer vacation dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring dalhin ang pinakamamahal na alaga. 

Sa katunayan, ito ay tinalakay sa Contratto Collettivo Nazionale na nagtataglay ng mga regulasyon sa domestic job.  Sa CCNL ay nasasaad ang dalawang magkaibang pigura na nag-aalaga sa pet o animali domestici

Pag-aalaga ng Pet, kasama ba sa trabaho ng mga colf?

Ang una ay ang kilalang ‘pet sitter’ na ang tanging trabaho ay ang mag-alaga ng pet – aso o pusa at iba pa – tulad ng nasasaad sa art. 9 ng CCNL letra e. Livello A ang angkop na lebel nito sa panahon ng hiring o assunzione

Iba naman ang kaso ng colf, ang ikalawang pigura na nasasaad sa CCNL. Ang profile na collaboratore familiare generico polifunzionale o ‘tutto fare’ na may antas na Livello B. Sa katunayan, sa lebel na ito ay kabilang ang pag-aalaga ng pet ng pamilyang pinaglilingkuran bilang trabaho. Samakatwid, bukod sa pagiging bahagi ng araw-araw na pamumuhay ng pamilya: mula sa paglilinis at pagliligpit sa bahay, ay maaaring iutos din ang pag-aalaga sa pet ng pamilya. Dahil ito ay isa sa mga gawaing itinalaga ng kontrata. 

Ngunit dahil hindi lahat ng mga domestic workers ay maaaring mag-alaga ng hayop o pet – maaaring mayroong allergy sa pusa o may takot sa aso – ay ipinapayo sa mga employers at workers na linawin sa simula pa lamang ang mansione o uri ng trabaho na dapat gampanan ng colf sa lettera di assunzione, upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa. 

Kaugnay nito, ang bayad per hour sa isang per sitter (Livello A) ay € 4,69, habang sa colf naman (Livello B) ay € 5,86 per hour.  

PGA – Sources: CCNL, Assindatcolf

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

Third dose ng bakuna kontra Covid19, sisimulan na sa Sept 20

Permesso di soggiorno per residenza elettiva, ano ito?