in

Pagbibitiw ng mga domestic workers. Paano?

Ako ay nagta-trabaho bilang colf ilang taon na sa aking employer. Nais ko ng magbitiw o mag-resign. Ano ang aking dapat gawin? Dapat ba akong magbigay ng komunikasyon sa Inps?

 

Oktubre 25, 2016 – Ang mga colf at babysitters ay may karapatang lisanin ang kanilang trabaho ngunit kailangang sundin ang mga patakaran. Una sa lahat, ayon sa batas, ay kailangang ipaalam ang pagbibitiw sa pamamagitan ng abiso sa employer. Ang araw ng abiso ay nag-iiba batay sa haba ng panahon ng serbisyo at oras ng trabaho. Kung ang araw ng abiso ay hindi ibibigay sa employer ay kailangang ibigay sa employer ang halagang katumbas ng sahod para sa mga araw na dapat sana’y ipinag-trabaho ng colf sa employer.

Ang Araw ng Abiso

Para sa trabahong full time mula 25 hrs pataas per wk, ang colf ay kailangang magbigay ng 7 at kalahating araw na abiso. Ito ay nagiging 15 araw kung nagta-trabaho ng higit sa limang (5) taon sa parehong employer.

Kung ang hrs per wk ay mas mababa naman sa 25 hrs, ang araw ng abiso ay nagiging walong (8) araw para sa trabahong wala pang dalawang (2) taon at nagiging labinlimang (15) araw kung ang trabaho ay higit sa dalawang (2) taon.

Kung ang trabaho ay nagtapos dahil sa ‘giusta causa’ o tamang dahilan, halimbawa ang employer ay hindi nagbayad ng kontribusyon sa Inps o hindi nagbayad ng sahod, ang pagbibigay ng araw ng abiso ay hindi obligado. Sa katunayan, kung ang pagbibitiw ay dahil sa guista causa, dahil hindi na maaaring ipagpatuloy pa ang trabaho kahit na pansamantala lamang, ang worker ay may karapatan sa bayad-pinsala mula sa employer dahil sa kawalan ng abiso.

Ipinapayo pa rin ang pagbibigay sa employer ng resignation letter o lettera di dimissione na nagpapahintulot, sa katunayan, ang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa eksaktong petsa ng pagbibitiw at simula ng panahon ng abiso.

Ang employer naman matapos na matanggap ang resignation letter, sa loob ng limang (5) araw mula sa petsa ng pag-alis sa trabaho ng colf ay kailangang gawin ang komunikasyon sa Inps.

Ang Authentication

Ang mga hakbang na obligadong gawin matapos ang pagbibitiw sa trabaho ay hindi dito nagtatapos. Sa katunayan, matapos ang pagpapatupad sa bagong panuntunan ng Fornero reform, ang resignation ay kailangang i-authenticate. Narito ang dalawang paraan:

  • ang kasambahay ay kailangang ipa-authenticate ang resignation sa Direzione Territoriale del Lavoro sa Centro per l’Impiego at ibigay ang isang authenticated copy nito sa employer, o
  • ang kasambahay ay gagawa at pipirmahan ang isang deklarasyon sa resibo ng comunicazione di cessazione del rapport di lavoro na ipinadala sa Inps.

Kung ito ay hindi gagawin ng colf, sa loob ng 30 araw mula sa pagbibitiw, ang employer ay dapat magpadala ng isang paanyaya sa pamamagitan ng koreo (registered mail with return card) sa dating colf na gawin ang authentication sa pamamagitan ng mga paraang nabanggit sa itaas. Ang worker ay mayroong pitong (7) araw, mula sa pagpapadala ng paanyaya, upang gawin ang authentication.

Mahalagang tundin ang nabanggit na proseso upang maiwasan ang mga hindi inaasahang malalang resulta nito.

Kung ang employer ay hindi ipapa-authenticate ang resignation, ang resignation ay maaaring walang anumang bisa at samakatwid ang trabaho ay itinuturing na nagpapatuloy at mayroong legal na epekto ito. Kung ang colf naman, matapos ang paanyaya ng employer ay nanatilimg ipagsawalang bahala ito, ang resignation ay maituturing na balido.

ni Atty. Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong uri ng electronic permit to stay, sinimulang iisyu ngayong Nobyembre

Maternity allowance ng Comune, hindi nangangailangan ng carta di soggiorno