in

Pagbubuntis ng colf, dahilan ba upang tanggalin sa serbisyo?

Sa pinakahuling renewal ng CCNL sa domestic job, isang note ang inilagay upang ipaalam ang mga mahahalagang puntos bilang proteksyon sa mga karapatan ng mga future mothers. Narito ang mga ito. 

Salary sa panahon ng maternity leave

Sa panahon ng maternity leave, ang mga colf ay tumatanggap ng salary o sahod na ang halaga ay katumbas ng 80% ng karaniwang halaga nito. Direktang ibinibigay ng INPS ang halagang ito at ang employer naman ay hindi nagbabayad ng mga kontribusyon. Samantala, nagpapatuloy ang maturity ng 13th month pay o tredicesima, separation pay o tfr at bakasyon o ferie – mga benepisyong nagmumula sa employer. 

Termination at Resignation

Mula sa simula ng pagbubuntis at sa buong maternity leave, ay hindi maaaring i-terminate o tanggalin sa trabaho ang future Mom. Ang tanging pinahihintulutang dahilan ng pagtatanggal sa trabaho ay ang tinatawag na ‘giusta causa’ o tamang dahilan.

Sa parehong panahon, ang resignation o pagbibitiw sa trabaho ay nagiging epektibo lamang kung ito ay validated ng Ispettorato del Lavoro, na nagpapatunay sa pagnanais ng working future Mom na tapusin ang employment contract. Sa kasong magre-resign sa panahon kung kailan ipinagbabawal ang pagtatanggal sa trabaho, ang worker ay hindi obligadong magbigay ng abiso. 

Requirements sa aplikasyon ng Maternity 

Ang kondisyon sa pagkilala sa mandatory maternity leave ng limang buwan ay ang pagkakaroon ng 52 weekly contributions sa huling 24 na buwan o 26 weekly contributions sa huling 12 buwan. (PGA – Source: Acli)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

ricongiungimento familiare Ako Ay Pilipino

Anu-ano ang requirements para makuha ko ang aking magulang sa pamamagitan ng family reunification process?

Hostage at rape, dinanas ng apat na Pinoy sa Modena