in

Paghihiwalay ng mag-asawa, pawawalang-bisa ang permesso per motivi familiari?

Mayroon akong permit to stay per motivi familiari, ngunit kasalukuyang hindi maganda ang takbo ng pagsasama naming mag-asawa at marahil kami ay maghihiwalay. Mawawalan ba ng bisa ang aking permit to stay?

Pangunahing requirement sa issuance ng permit to stay per motivi familiari  ay ang pagsasama ng mag-asawa katulad ng pagkakaroon ng emotional at parental affection sa sariling pamilya. Kapag ang mga kundisyong ito ay nawala, ay natatanggal na rin ang mga pangunahing dahilan sa pagbibigay ng permit to stay, at dahil dito ang dayuhan ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng ibang requirements para sa releasing ng bagong uri ng permit to stay.

Ang paghihiwalay ng mag-asawa, na sanhi ng paghihiwalay ng tirahan ay hindi awtomatikong dahilan sa pagpapawalang-bisa sa permit to stay dahil ang permesso di soggiorno per motivi familiari, sa kaso ng legal separation o diborsyo, ay maaaring i-convert sa ibang uri ng permit to stay tulad ng lavoro subordinato, autonomo o studio ngunit ang aplikante ay dapat na nagtataglay ng mga requirements (tulad ng pagkakaroon ng trabaho o pagpapatala sa isang kurso) na nagbibigay karapatan sa pagkakaroon ng ibang uri ng permit to stay.

Gayunpaman, ay hindi awtomatiko ang conversion, kung kaya’t ang aplikante ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng kit postale, lakip ang mga dokumento para sa conversion sa bagong uri ng permit to stay.

Kung ang kasal ay rehistrado sa Italya, ang legal separation at divorce ay gagawin, para sa Italya, batay sa batas ng Italya at samakatwid, kung ang kasal ay naganap sa Pilipinas at inirehistro sa Italya, ay kailangang gawin ang kinakailangang proseso ng legal separation at divorce sa parehong bansa batay sa mga umiiral na batas sa bawat bansa.

Mangyaring tandaan na sa batas ng Italya ay mayroong pagkakaiba ang separazione di fatto, separazione legale at divorzio.

Ang separation de facto (separazione di fatto) ang tawag kung ang mag-asawa ay nagdesisyong maghihiwalay ng walang anumang pormalidad, samakatwid ay walang anumang pagdulog sa karampatang mga awtoridad: ang mag-asawa ay maaaring magkasamang namumuhay o sa magkaibang tahanan, ngunit ang bawat isa ay namumuhay para sa sarili at walang anumang pakialam sa kabiyak. Ang ganitong uri ng paghihiwalay ay walang anumang legal na epekto sa batas, at hindi rin sapat para sa diborsyo, ngunit maaaring maging balidong dahilan upang pawalang-bisa ang permesso di soggiorno per motivi familiari.

Hindi tulad ng separation de facto, ang legal separation (consensual man o judicial) ay nagbibigay epekto sa personal na katayuan at ari-arian ng buong pamilya. Sa legal separation, ang mag-asawa ay hindi winawakasan ang relasyon bilang mag-asawa bagkus ay sinususpindi lamang ito habang naghihintay ng reconciliation o divorce order. 

Ang divorce ay ang legal na sitwasyon na nagpapahintulot sa pagpapawalang-bisa o pagwawakas ng epektong sibil kung sa mag-asawa ay wala na ang ispiritwal at materyal na epekto ng kasal.

Ginagamit ang salitang ‘scioglimento’ (pagpapawalang-bisa) kung tumutukoy sa civil marriage at ‘cessazione degli effetti civili’ (pagwawakas sa epektong sibil) kung tumutukoy sa matrimonio concordatario o Church marriage with civil recognition.

Maaari lamang ikasal muli ang mag-asawa matapos lamang ang diborsyo.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permit to stay for studies and research, ang mga pagbabago simula July 5

Hindi makakarating sa fingerprinting para sa permit to stay, ano ang dapat gawin?