in

Pagpapagamot sa Italya, narito ang proseso?

Nangangailangan ang aking kapatid na magpagamot at ito ay mahirap gawin sa Pilipinas. Dahil dito ay nais ko syang dalhin dito sa Italya. Maaari po ba ito? Ano po ang aking dapat gawin?   

 

Ang isang mamamayang dayuhan ay maaaring magpunta sa Italya, kahit hindi residente dito, upang makapagpagamot at sumailalim sa ilang partikular na terapiya kahit na hindi nakatala sa SSN o Servizio Sanitario Nazionale. Kailangan lamang ang magbayad ng buong halaga ng pagpapagamot. 

Ang dayuhang may karamdaman at ang posibleng kasama nito ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa entry visa per cure mediche. Ang aplikasyon ay dapat isumite sa Embahada/Konsulado sa sariling bansa o sa kawalan ng mga ito, sa sinumang kinatawan ng gobyerno ng Italya ng sariling bansa.

Sa kasong hindi maaaring magpunta ng personal at magsumite ng aplikasyon ang aplikante para sa entry visa at permit to stay, ay maaari itong gawin ng isang kamag-anak o ng sinumang may pahintulot.

Sa aplikasyon ay ilalakip ang mga sumusunod:

– Deklarasyon buhat sa ospital o health structure, pribado, publiko o accredited kung saan mako-confien ang dayuhan. Sa nasabing deklarasyon ay kailangang nasasaad ang uri ng gamutan o terapia, ang simula nito at ang inaasahang tagal ng panahon ng gamutan.

– Katibayan ng ginawang pagde-deposito sa napiling health structure. Ang deposito ay maaaring gawin sa euros o dollars at kailangang katumbas ng 30% ng kabuuang halaga ng inaasahang halagang magagastos.

– Patunay ng pagkakaroon ng sapat na mapagkukunang pinansyal na gagamitin sa pagpapagamot, board and lodging at repatriation. Sa kasong ang may karamdaman ay may kasamang magbi-biyahe ay kailangang siguraduhin ang pagkakaroon rin ng sapat na halaga para sa biyahe at board and lodging ng kasama nito.

Medical certificate na nagpapatunay ng karamdaman ng dayuhan. Kung ang health certificate ay buhat sa ibang bansa ay kakailanganin rin ang translation nito.

Pagdating sa Italya, ang may karamdaman at ang kasama nito ay maaaring mag-aplay ng permit to stay direkta sa Questura. Ang permit to stay ay balido sa buong panahon ng gamutan at maaari itong i-renew kung kinakailangan para sa pagpapagaling ng maysakit.

Samantala, hindi pinahihintulutang magtrabaho sa Italya ang mga mayroong ganitong uri ng permit to stay. Hindi rin pinahihintulutan ang conversion sa permit to stay para sa trabaho. At sa pagtatapos ay hindi rin pinahihintulutan ng batas ang maitala sa SSN ang mga mayroong ganitong uri ng permit to stay kahit pa bolontaryong magbayad ng halagang nasasaad.

 

ni: D.ssa Maria Elena Arguello

isinalin sa tagalog: PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Roma: Halalang Administratibo 2016

Halalang Administratibo: Tessera Elettorale at Paraan ng Pagboto