Ako po isang residente sa Roma at ako ay lumipat ng tirahan. Ano po ang proseso na aking dapat gawin upang mapalitan ang aking residensiya?
Ang tinatawag na ‘cambio residenza’ ay ang pagpapalit ng residensiya o ng tirahan. Ito ay ginagawa sa tanggapan ng local registry office o ang ufficio anagrafe del Municipio, sa pamamagitan ng “Dichiarazione di Residenza”.
Ang cambio residenza ay maaaring gawin ng personal sa tanggapan o sa pamamagitan ng pagpapadala ng fax, o ng registered mail with return card o pamamagitan ng pagpapadala ng email sa angkop na tanggapan ng Munisipyo.
Sa kasong, ipinadala ito sa pamamagitan ng email, ang Circolare n° 9/2012 ng Ministry of Interior ay nagsasaad na ang deklarasyon ng pagpapalit ng residensiya ay nararapat na nagtataglay ng pirma ng aplikante bukod sa scanned copy ng dokumento na nagtataglay na rin ng pirma.
Ang mga dokumento na ilalakip sa request ay nag-iiba batay kung EU National o non-EU National at batay din sa motibo ng pananatili sa Italya. Karaniwang ang mga kinakailangang dokumento ay ang mga sumusunod:
- balidong dokumento at permit to stay;
- sertipikasyon na nagpapatunay ng civil status at ng family composition, translated at legalized, na kinakailangan upang mai-rehistro ang antas ng relasyon at para sa releasing ng nasabing dokumento.
Kung ang lilipatang tirahan ay mayroon ng residente o may nakatira na, ay kinakailangang isa sa mga ito ay magbigay ng pahintulot sa paninirahan ng aplikante. Ang kawalan ng pahintulot ay hadlang sa pagpapalit ng residensya.
Ang pahintulot ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng:
- Personal na sasamahan ang aplikante sa Munispyo
- Gamit ang angkop na form ay sasagutan ang itinalagang bahagi para dito lakip ang kopya ng balidong dokumento
Simula sa petsa ng pagtanggap ng deklarasyon, ang operator ng anagrafe ay mayroong 2 working days para i-rehistro ang request at 45 days para sa Munisipyo upang suriin kung kumpleto at tama ang mga impormasyong nasasaad sa dokumento (sa pamamagitan ng polizia locale).
Kung ang aplikante ay walang natatanggap na komunikasyon sa loob ng 45 araw, ang request ay maituturing na positibo at ang ‘cambio di residenza’ ay natapos na.
Maaaring para sa Munisipyo ay kulang ang mga requirements para matapos ang ‘cambio di residenza’. Sa mga ganitong pagkakataon, ay magpapadala ang tanggapan ng abiso ng pagtanggi at ang aplikante ay mayroong 10 araw upang maglahad ng opinyon sa pamamagitan ng isang liham ukol dito. Sa puntong ito, ang 45 araw na nakalaan para sa pagproseso ay ihihinto. Sa kasong negatibo o sa kasong ang aplikante ay hindi maglalahad ng kanyang opinyon, ay isasara ang aplikasyon at mananatili ang dating residensiya ng aplikante.