in

Pagsusuot ng mask sa zona bianca, narito ang regulasyon

Wala ng curfew at may pahintulot na ang pagbubukas ng mga commercial activities. Ngunit sa zona bianca ay nananatili ang obligasyong magsuot ng mask at bawal pa din ang hindi pagsusuot nito, maliban sa ilang pagkakataon. 

Sa zona bianca ay hindi nagbabago ang regulasyon ukol sa pagsusuot ng mask. Ito ay obligado sa outdoor at indoor, katulad sa zona gialla. 

Mask, obligado pa rin kahit sa outdoor at indoor sa zona bianca

Ayon sa decreto ng gobyerno Draghi, sa zona bianca ay hindi na ipinatutupad ang mga restriksyon na nasasaad sa dating DPCM, maliban sa patuloy na pagsusuot ng mask sa indoor at outdoor. Ang pagsusuot ng mask at ang social distance ng 1 metro ay nananatiling dalawang haligi ng restriksyon kahit sa zona bianca.

Samakatwid, mananatili ang paggamit ng mask tuwing papasok sa loob ng Supermarket, habang naglalakad sa kalsada at sa tuwing papasok sa anumang shop. Sa sariling bahay, tuwing mayroong bisita, ang mask ay kailangang isuot sa pananatili ng ibang tao na hindi conviventi’. Inererekomenda ang pagsusuot ng mask, tulad ng mababasa sa FAQ sa website ng gobyerno. Obligado rin ang pagsusuot ng mask sa loob ng sariling sasakyan kung mayroong sakay na ibang tao na hindi conviventi’.

Kailan maaaring hindi mag-suot ng mask sa zona bianca? 

May ilang exemption kung kailan tatanggalin ang mask.

Tulad ng tuwing nasa bar at restaurant. Sa zona bianca ay may pahintulot hanggang 6 na katao sa iisang lamesa sa loob ng mga bar at restaurant. Ngunit kailangang magsuot ulit ng mask tuwing tatayo (halimbawa ay kung oorder, magpupuntang banyo at magbabayad sa cashier). Ayon sa mga eksperto, ang mask ay kailangan ding isuot tuwing pagkatapos kumain at uminom, kahit naka-upo pa at nasa loob pa ng restaurant. 

Samantala, may pahintulot din na hindi magsuot ng mask ang sinumang nage-exercise o nags-sport, sa outdoor at indoor. Sa ganitong kaso ay kailangang panatilihin ang 2 mterong distansya. 

Ayon sa FAQ ng gobyerno, maaaring hindi magsuot ng mask kung nag-iisa at walang kasama o kung ang kasama ay esklusibong ang mga conviventi o kasama sa sariling bahay. 

Ang mask ay hindi rin obligado sa mga batang may edad 6 na taon pababa at ang mga person with disabilities. 

Kailan tatanggalin ang obligasyon ng pagsusuot ng mask? 

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang itinatalagang petsa. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Vaccination rate sa Europa, mababa pa – WHO

Ako ay Pilipino

Side effects ng Pfizer, narito ang mga dapat malaman