in

Pagtatanggal sa trabaho sa panahon ng Covid19, ano ang nasasaad sa batas?

Ang Decreto Cura Italia ay nagsasaad ng pagbabawal sa pagtatanggal sa trabaho o licenziamento hanggang May 15. Inaasahan muli ang paglabas ng bagong dekreto na magpapalawig sa pagbabawal hanggang August 17, 2020.

Narito ang detalye at kung ano ang nilalaman ng batas ukol sa licenziamento sa panahon ng Coronavirus. 

Ang mga ipinagbabawal na Pagtatanggal sa trabaho

Licenziamenti collettivi 

Ang mga kumpanya na may higit sa 15 empleyado na hangad na magtanggal ng kahit 5 empleyado upang mabawasan o baguhin ang aktibidad nito ay hindi ito maaaring gawin hanggang August 18, 2020.

Suspendido din ang mga sinimulang proseso ng termination mula Feb 23 hanggang March 17 at ang mga empleyado ay mananatili sa trabaho hanggang August 17, 2020.

Licenziamenti individuali 

Kasalukuyang ipinagbabawal ang individual termination hanggang August 17, 2020 kahit pa may ‘giustificato motivo oggettivo‘, o kahit pa ito ay sa dahilang ng organisasyon o pinansyal, ilan man ang bilang ng mga empleyado sa kumpanya.

Ang mga pagtatanggal sa trabaho simula March 15, 2020 ay hindi balido. 

Licenziamento per superamento giorni di malattia 

Ang quarantine period ng isang empleyado dahil nahawahan ng covid19 ay hindi maaring bilangin bilang periodo di comporto o maximum na panahon ng sick leave na ibinibigay sa empleyado. Samakatiwd ay ipinagbabawal din ang pagtatanggal sa trabaho dahil lumampas sa periodo di comporto kung ang pagliban ay dahil sa coronavirus. 

Ang employer ay maaaring mag-apply ng Cassa Integrazione para sa empleyado, na sa bagong Decreto ay inaasahang hahabaan hanggang maximum na 9 na linggong karagdagan hanggang August 31, 2020.

Ano ang dapat gawin sa kaso ng licenziamento mula March 17 hanggang August 17, 2020

Kung ang employer ay nagpatuloy sa pagtatanggal sa trabaho sa empleyado mula March 17 hangang May 15 (na maaaring palawigin hanggang August 17) ay maaaring pawalang bisa ito sa Giudice di Lavoro

Kailangang sundin ang panahon ng impugnazione: sa loob ng 60 araw ng komunikasyon ng licenziamento ay kailangang labanan ito, sa pamamagitan ng isang liham, personal o sa pamamagitan ng abugado. 

Sa loob ng 180 araw mula sa pagpapadala ng liham ay kailangang magsampa ng reklamo sa Tribunale, Sezione Lavoro. Sa kasong ito ay kailangan ang tulong ng isang abugado. 

Ang mga pagtatanggal sa trabaho na may pahintulot (licenziamenti ammessi) 

Ang Decreto Cura Italia ay hindi sinuspinde o ipinagbabawal  ang mga sumusunod:

  • Pagtatanggal sa trabaho Bilang disiplina;
  • Pagtatanggal sa trabaho sa panahon o pagtatapos ng probation period;
  • Pagtatanggal sa trabaho sa pagsapit sa maximum na limitasyon ng edad;
  • Pagtatanggal sa trabaho ng mga domestic workers;
  • Pagtatanggal sa trabaho sa pagtatapos bilang apprenticeship;
  • Pagtatanggal sa dating kasosyo sa kooperatiba, kapag tuluyang tumigil bilang kasosyo

Resignation ng empleyado: pinahihintulutan 

Walang suspensyon naman sa kaso ng pagbibitiw sa trabaho ng worker (sa mga kaso ng hindi kaya ang trabaho o hindi tamang pag-uugali ng employer) at kasunduan sa dalawang panig.

Kung isang dayuhan

Ang mga mangagawang dayuhan ay mayroong parehong karapatan tulad ng mga Italians, kung kaya’t maaaring labanan ang hindi makatarungang pagtatanggal sa trabaho, lalo na’t kung ito sa panahong ipinagbabawal ito. 

Tulad ng nasasad sa Decreto Cura Italia, ay pinalawig ang validity ng mga permesso di soggiorno hanggang August 31, 2020. Samakatwid ang employer ay hindi maaaring gamiting dahilan ang expiration ng permit to stay, kung ang permesso di soggiorno ay expired makalipas ang Jan 31, 2020. 

ni: Avv. Federica Merlo 

Sources: D.L. 18/2020 L. 27, n. 27 del 24 aprile 2020 di conversione del D.L. 18/2020. “Divieto di licenziamento durante la crisi da COVID-19”- ILO

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino

Validity ng Tessera Sanitaria, pinalawig hanggang June 30, 2020

DOLE-AKAP applications, pansamantalang di tinatanggap ng POLO-Milan at POLO-Rome