in

Permessi retribuiti, mayroon ba sa domestic job? Ano ang nasasaad sa CCNL?

Lingid sa kaalaman ng marami, ang mga colf ay may permessi retribuiti o bayad na oras/araw ng pagliban sa trabaho

Nasasaklaw ng ‘Contratto Collettivo Nazionale di Lavoro Domestico’ ang relasyon sa pagitan ng employer-domestic worker at ito ay pirmado ng mga asosasyon ng mga employers, Fidaldo na binubuo ng Assindatcolf, Nuova Collaborazione, ADLC, ADLD, Domina at mga organisasyon ng mga unyon ng mga manggagawa, Filcams-Cgil, Fisascat-Cisl, Uiltucs-Uil at Federcolf.

Ang CCNL ang basehan ng employment ng mga colf at employers tulad ng sahod o kita, level at antas sa trabaho, leave: maternity at sick, termination at authorization.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang mga colf ay may permessi retribuiti o

Sa katunayan, may karapatan sa 16 na oras sa isang taon ang mga colf na naka live-in at 12 oras naman sa isang taon ang mga part-timer na may trabaho na hindi bababa sa 30 hrs weekly, na permessi retribuiti o oras na karapatang lumiban sa trabaho with pay.

Bukod dito, ayon pa rin sa CCNL mayroong:

  • 3 araw na leave with pay kung namatayan;
  • 2 araw na leave with pay sa pagsilang ng anak;
  • 15 araw na leave with pay kapag ikinasal.

Gaano man katagal at anuman ang oras ng trabaho, kada taon ang mga worker ay may karapatan sa 26 na araw ng bakasyon, sa iisang employer. At ang mga araw ng bakasyon ay batay sa kasunduan ng employer at ng colf, batay na rin sa pangangailangan ng employer, na karaniwang sa pagitan ng mga buwang Hunyo hanggang Setyembre.

Sa panahon ng bakasyon, ang mga colf ay may karapatan sa sahod na 1/26 ng kabuuang buwanang suweldo para sa bawat araw.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mainit na diskusyon sa loob ng bahay ng mga Pinoy, nauwi sa saksakan

The Best Model of Europe, nagsagawa ng casting sa Reggio Emilia