in

Permesso di soggiorno, nag-expired habang nasa Pilipinas. Maaari bang mag-aplay ng re-entry visa?

Ako Ay Pilipino

Ang dayuhang mayroong regular na permesso di soggiorno at nasa labas ng bansang Italya sa petsa ng expiration ng nabanggit na dokumento at hindi nakapag-aplay ng renewal sa loob ng panahong itinakda ng batas, ay maaaring mag-aplay ng re-entry visa sa Italian Embassy sa Pilipinas, alinsunod sa art. 8 D. Lgs. 394/99.

Mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod sa paga-aplay ng re-entry visa:

  • Ang expiration ng permesso di soggiorno ay hindi lalampas ng 60 araw sa aplikasyon ng re-entry visa;
  • Hindi isinasaalang-alang ang 60 araw na nabanggit na palugit kung ang dayuhan ay kailangang gampanan ang military obligations nito o sa kasong ang dayuhan mismo o asawa o sinumang first degree family member ay nagkaroon ng malubhang karamdaman, kung ang expiration ng permit to stay ay hindi lalampas ng 6 na buwan. 

Sa paga-aplay ng re-entry visa ay kakailanganin ang orihinal at kopya ng expired permit to stay, ang balidong pasaporte at anumang katibayan sa paglipas ng 60 araw na palugit.

Mahalagang mapatunayan ang pagkakaroon ng mapagkukunang pinansyal tulad ng employment contract o contratto di lavoro at/o ang pagkakaroon ng pamilya sa Italya (Stato di famiglia) at lahat ng dokumentasyon na magpapatunay ng motibo upang bumalik sa Italya.

Ang Italian Embassy, sa pagi-isyu ng visa ay kailangan munang matanggap ang nulla osta o pahintulot buhat sa Questura sa Italya, kung saan ipapadala lahat ng dokumentayson na isinumite sa pag-aaplay ng re-entry visa. Ang Questura, matapos matanggap ang mga dokumento ay susuriin ang aplikasyon at magbibigay ng opinyon ukol dito.

Kung ang opinyon ay positibo, ang embahada ay magi-isyu ng re-entry visa na magagamit sa muling pagpasok sa Italya, na balido kung mayroon mang stop over sa ibang schengen country. Pagdating sa Italya, ang dayuhan ay kailangang mag-aplay ng renewal ng permit to stay sa loob ng 8 araw at ilalakip ang lahat ng dokumento na hinihingi ng batas.

Kung ang permit to stay ay expired ng higit sa 60 araw ay hindi maaaring mag-aplay ng re-entry visa upang makabalik sa Italya, maliban na lamang sa pagkakaroon ng dalawang kundisyon:

  • kinailangang manatili sa Pilipinas ang aplikante dahil sa matinding karamdaman nito, ng asawa o ng miyembro ng pamilya hanggang first degree.;
  • ang aplikante ay tumupad sa ilang obligasyon sa bansa tulad ng military obligations.

Kahit sa kasong ang permesso di soggiorno ay nawala sa panahon ng pagbabakasyon sa labas ng bansang Italya, ang dayuhan ay pinahihintulutang mag-aply ng re-entry visa sa Italian Embassy sa bansang kinaroroona matapos mapatunayan ang pagkawala ng nabanggit na dokumento. Dalhin ang ginawang report sa awtoridad lakip ang kopya ng dokumentong nawala.

Sa parehong nabanggit na mga kaso – nag-expired at nawala ang permesso di soggiorno – ang aplikante ay kailangang ipakita at mag-iwan sa Italian Embassy ng isang kopya ng dokumento na magpapatunay ng sitwasyon kasama ang expired permit to stay, balidong pasaporte. Ang Italian Embassy ay ipapadala ang mga ito sa Questura na magsusuri sa aplikasyon at magbibigay ng opinyon. Ang Embassy, matapos matanggap ang nulla osta buhat sa Questura, ay mag-iisyu ng re-entry visa sa aplikante. (PGA)

Nangangailangan ba ng higit na impormasyon o anumang tulong ukol sa imigrasyon? Mag-register sa Migreat para sa libreng legal advice mula kay Atty. Federica Merlo! 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Emergency Hotlines sa Italya, pinag-isa na lamang sa NUE 112

Ako Ay Pilipino

Pagbabalik ng mga restriksyon: Ilang Rehiyon, posibleng bumalik sa zona gialla