in

Permesso di soggiorno per gravidanza, maaaring i-convert sa permesso di soggiorno per familiari?

Ako po ay mayroong permesso di soggiorno per gravidanza sa kasalukuyan. Ang aking asawa naman po ay mayroong permesso per lavoro subordinato. Maaari po bang i-convert ang aking hawak na permesso sa permesso di soggiorno per familiari?

Ang conversion ng permesso di soggiorno per gravidanza ay pinahihintulutan sa kasong ang aplikante ay legal na kasal sa isang dayuhang regular na naninirahan sa Italya. Ito ay sa pamamagitan ng ‘Coesione familiare’.

Sa pamamagitan ng coesione familiare, tulad ng ricongiungimento familiare, ang pamilya ng mga non-EU nationals ay maaaring manirahang magkakasama sa Italya batay sa mga kundisyong hinihingi ng batas.

Hindi na kakailanganin ang magkaroon ng nulla osta mula sa Sportello Unico per l’Immigrazione bagkus ay pinahihintulutan ng Coesione Familiare ang conversion ng hawak na dokumento o ang permesso di soggiorno per gravidanza, sa isang permit to stay per motivi familiari batay sa artikulo 30 talata 1 letra c ng Testo Unico per l’Immigrazione, sa pamamagitan ng miyembro ng pamilya na regular ang paninirahan sa Italya at nagtataglay ng permit to stay na balido na higit sa isang taon.

Ang mga requirements sa pag-aaplay ng Coesione familiare

  1. Ang pangunahing kundisyon sa Coesione Familiare ay ang regular na paninirahan sa Italya. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng turista, cure mediche at ibapa.
  2. Pinahihintulutan ng batas ang Coesione Familiare sa loob ng 12 buwan makalipas ang expirationng dokumentong hawak. Halimbawa, ang permesso di soggiorno per maternità ay nag-expired noong Dec31, 2108, may panahon hanggang Dec 31, 2019 para sa conversion.
  3. Kailangan ding patunayan sa Questura ang iba pang mga requirements tulad ng required salary at sertipiko ng angkop na tahanan na katulad ng ricongiungimento familiare.
  4. Kailangan ding patunayan ang relasyon ng aplikante ng coesione familiare sa pamamagitan ng translated, authenticated at legalized na dokumento mula sa Pilipinas tulad ng birth certificate, marriage certificate at iba pa.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, nanganganib ng 7 taon at kalahating pagkakabilanggo sa kasong sexual abuse

Ang mga benepisyo ng pagkain ng Pakwan