Magandang araw po. Ang aking anak na lalaki ay isang menor de edad at mayroong permit to stay para sa pamilya. Ang aking pamilya ay matagal ng naninirahan sa Italya. Mag-18 yrs old na ang aking anak, hindi na ipinagpatuloy ang pag-aaral at hinid rin makakita ng trabaho. Maaari bang i-renew ang kanyang permit to stay?
Roma – Oktubre 12, 2012 – Ang katanungan ay nagbibigay ng pagkakataon upang linawin ang batas na sa kasalukuyan ay nagbigyan ng solusyon sa pamamagitan ng isang direktiba ng Ministry ng Interior noong Marso 28, 2008. Ang sitwasyon ng mga kabataan na, sa pagsapit sa hustong edad, ay nananatili sa puder ng pamilya dahil sa kakulangan ng pinansayal na kakayahan upang magsarili ay naging paksa ng maraming mga ‘hatol’ ng Supreme Court.
Sa katunayan ay posible na, sa edad ng labing-walong taong gulang ay hindi ipagpatuloy ang pag-aaral dahil ayaw na o dahil hindi na maaari, ngunit hindi rin makakuha ng trabaho. Ito ay isang katotohanan para sa mga mamamayang Italyano at mga dayuhan din.
Ang nilalaman ng batas
Ang T.U. sa imigrasyon ay nagsasaad na sa pagsapit ng 18 taong gulang, sa dayuhan na mayroong permit to stay per motivi familiari ay maaaring pagkalooban ng permit to stay para sa pag-aaral (motivi di studi), o sa trabaho (lavoro subordinato) o self-employed(autonomo )at sa pagpapagamot (esigenze sanitarie o di cura).(Artikulo 32 ng Batas). Nasasaad pa rin sa TU “ang pagpapatupad ng mga provisions sa pagtanggi ng releasing, pagbawi o hindi pag-renew ng permit to stay na naging hakbang ang karapatan sa family reunification o ricongiungimento familiar, ay isinasaalang-alang din ang uri at ang lalim ng koneksyon sa pamilya at sa lipunan at maging sa bansang pinagmulan, at para sa mga dayuhang nasa Italya, ay isinasaalang-alang din ang haba ng panahon ng pananatili sa Italya.” (artikulo 5 del T.U.). At nasasaad din na ang “Dayuhang regular na naninirahan sa bansa ay mayroong karapatang sibil tulad ng sa mamamayang Italyano. (artikulo 2 del T.U.)
Ang oryentasyon ng Korte
Hindi lahat ng kabataan, sa edad na 18, ay mayroong malinaw na pag-iisip kung ano ang gagawin sa kinabukasan. Ang magpatuloy sa pag-aaral o ang maghanap ng trabaho ay maaaring maging isang mahirap na katanungan. Ito ay maaaring humantong sa patuloy na pananatili ng kabataan sa puder ng kanilang mga magulang at pagkatapos ay ang maging kanilang dependant.
Sa kaso ng kabataang non-EU national, ay maaaring malagay sa isang sitwasyon kung saan walang mga requirements para sa permit to stay sa pag-aaral kung hindi na ipagpapatuloy ang pag-aaral, ngunit hindi rin maaaring bigyan ng permit to stay para sa subordinate job, dahil walang trabaho.
Sa mga kasong ito, ang kabataan, maaaring matagal ng nananatili sa Italya kasama ang mga magulang at integrated sa lipunan, ay walang magagawa sa probisyon ng batas.
Ayon sa Batas, sa pagsapit ng hustong edad ng anak, at sinusustentuhan pa rin ng magulang, ay maaaring manatili sa puder ng pamilya, ngunit maglalagay sa mga balikat ng magulang ng obligasyon hanggang sa panahong magiging independiyente ang anak.
Halimbawa, maaaring banggitin sa puntong ito, ang isang hatol ng Supreme Court kung saan ang mga hukom (Giuduci) ay nagsabing: "Sa pagsapit ng hustong edad, kung ang anak ay nakasandal pa rin at nasa puder ng magulang na syang custody nito, ay nananatiling pareho ang regulasyon gayun din ang pamamaraan ng pagpapatupad ng obligasyon ng magulang na buhayin at pag-aralin ang anak” .(Corte di Cassazione n. 4765 del 2002).
Ang direktiba ng Ministry
Ang Interior Ministry, sa pag-aangkop sa naging hatol, ay naglabas ng isang Directive noong March 28, 2008, kung saan nabanggit na ang mga kabataang dayuhan na regular na naninirahan sa Italya, sa pagsapit sa hustong edad, ay maaaring hindi pa sigurado sa kanilang nais gawin sa hinaharap, kung mag-aaral o magta- trabaho at bagaman maaaring manatili sa puder ng mga magulang, ay hindi maaaring magkaroon ng mga requirements ng permit to stay tulad ng nasasaad sa artikulo 32 ng T.U.
Ito ay, bilang pagsunod sa ilang mga hatol ng Corte Costituzionale, ukol sa mga tungkulin/karapatan ng mga magulang upang suportahan, pag-aralin at turuan ang kanilang mga anak, ang Ministry ay binanggit sa directive ang posibilidad, sa pagsapit sa hustong edad ng dayuhan, bukod sa nasasaad sa artikulo 32, gayun din ang renewal ng permit to stay per motivi familiari sa parehong duration ng permit to stay ng mga magulang, kung ang huling nabanggit ay mayroong sapat na sahod at angkop na tahanan tulad ng hinihinging requirements ng family reunification o ricongiungimento familiare.