Isang kaibigan ko ang binigyan ng permit to stay for political asylum request. Maaari ba itong gamitin sa trabaho?
Roma, Disyembre 10, 2015 – Ang permesso di soggiorno per richiesta asilo o permit to stay for political asylum request ay nagpapahintulot sa aplikante ang mag-trabaho kung:
1) nakalipas na ang animnapung araw (60) mula sa pagsusumite ng aplikasyon ng asylum at
2) kung ang pagsusuri sa aplikasyon ay hindi pa natatapos. Gayunpaman, anumang pagkakaantala sa pagsusuri ng aplikasyon ay hindi maaaring ibintang o isisi sa aplikante batay sa artikulo 22 ng legislative decree aug. 18, 2015, bilang 142.
Ito ay isang mahalagang pagbabago na simulang ipinatupad noong Sept 30, 2015, dahil bago ang transposisyon ng Directive 2013/33/EU ukol sa mga pamantayan sa pagtanggap ng mga aplikante ng international protection, ay maaari lamang mag-trabaho kung nakalipas na ang anim (6) na buwan mula sa pagsusumite ng aplikasyon at sa kondisyon na ang proseso nito ay hindi pa tapos sa mga dahilang walang kinalaman ang dayuhang aplikante na nagsumite ng aplikasyon.
Samakatwid ang aplikante ay maaaring mag-trabaho (subordinato) habang naghihintay na matanggap ang pagkilala sa katayuan bilang political refugee.
Gayunpaman, ipinapaalala na ang permesso di soggiorno per attesa richiesta asilo politico ay hindi maaaring i-convert sa permesso di soggiorno per motivi di lavoro.
ni: Atty. Mascia Salvatore
isinalin sa tagalog ni: PGA