Ako ay isang Pilipina. Ang aking permit to stay ay para sa pag-aaral. Pwede ba akong mag-trabaho bilang babysitter kahit part-time lamang?
Rome – Ang permit to stay para mag-aral ay nagpapahintulot rin upang makapag-trabaho ngunit mayroong limitasyon. Ito ay upang mabigyan lamang ng pagkakataong madagdagan ang kinikita ng mga mag-aaral ng hindi maapektuhan ang oras ng kanilang pag-aaral.
Ayon sa batas, ay maaaring pumirma ng kontrata sa trabaho ang mga mag-aaral ngunit hindi lalampas sa 20 oras bawat linggo. Maaari ring bilangin ang kabuuang bilang ng oras para sa 52 linggo, at hindi dapat hihigit sa 1040 na oras sa isang taon taon.
Ang kontrata ay hindi dapat lalampas sa oras na itinakda ng batas, halimbawa, ay maaaring magtrabaho ng part-time (20 oras bawat linggo) para sa 12 buwan o full time (40 oras bawat linggo) ngunit para lamang sa 6 na buwan.
Ito ay nangangahulugan na maaaring ma-empleyo ang mag-aaral na hindi kakailanganin ang conversion ng permesso di soggiorno per studio. At kahit ito ay nais ng mag-aaral ay hindi pahihintulutan ang conversion nito at mauuwi lamang sa refusal ng aplikasyon.
Ang conversion sa permesso per lavoro ay pinahihintulutan lamang kung ang oras ng trabaho na nasasaad sa employment contract ay higit sa limitasyong nasasaad sa itaas. Sa mga ganitong kaso, ay kailangan sundin ang isang partikular na proseso sa pagkakaroon ng mga kundisyon na itinalaga ng batas sa pamamagitan ng dekreto, ang decreto flussi.
Gayunpaman, upang makapag-trabaho bilang babysitter gamit ang kasalukuyang permit to stay, ang iyong employer ay dapat magtungo sa tanggapan ng Inps at gawin ang denuncia di assunzione. Naglaan din ng form online ang website ng Inps, www.inps.it, mag-rehistro lamang at magtungo sa servizi per lavoro domestic. Gamit ang personal datas ng employer at worker ay maaaring gawin ang denuncia online.
Isang paalala lamang na ang denuncia di assunzione ay isang compulsory at kailangang gawin isang araw bago simulan ang hiring.
ni: Atty. Mascia Salvatore
isinalin sa tagalog ni: PGA