Ako ay nag-renew ng aking permit to stay per lavoro subordinato ngunit kailangang kong magpunta sa Germany para bisitahin ang aking Mamma na may sakit. Cedolino lamang po ang aking hawak sa ngayon. Ano po ang pwede kong gawin?
Limitado ang pagbibiyahe o paglabas ng bansang Italya ng mga dayuhan kung nasa renewal ang anumang uri ng permit to stay. Ang ‘cedolino’ o resibo ng renewal mula sa post office, lakip ang pasaporte ay pinahihintulutan lamang kung sa sariling bansa ang pupuntahan ng imigrante.
Bucked dito, sa paglabas at sa muling pagbalik ng imigrante sa bansang Italya ng mga dayuahn ay hindi maaaring magkaroon ng stop-over sa anumang bansa ng Schengen dahil hindi nito kinikilala ang resibo ng renewal bilang balidong dokumento.
Sa mga pagkakataong ang imigrante ay kailangang magtungo sa isa sa Schengen countries sa pagkakaroon ng mabigat at balidong dahilan, halimbawa ang pagkakasakit ng ina na residente sa Europa, ay maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno provvisorio.
Ito ay isang uri ng awtorisasyon na ibinibigay sa isang dayuhan, sa pagkakaroon ng mahalaga at balidong dahilan, na kailangang magpunta sa isa sa mga Schengen countries bago ma-release ang bagong permit to stay. Ito ay ibinibigay rin sa mg bagong panganak na sanggol na wala pang permesso di soggiorno.
Ang permesso di soggiorno provvisorio ay katulad ng dating permit to stay na papel (hindi electronic document) na balido ng 90 araw.
Narito ang mga requirements:
- Permit to stay na nire-renew;
- Cedolino o resibo ng renewal;
- Balidong pasaporte;
- Anumang patunay na kailangan ang provisory permit to stay;
- Passport pictures;
- Marca da bollo;
Kailaangang iprisinta ang mga original documents at kopya ng mga ito direkta sa Questura na sumasakop sa tirahan.
Gayunpaman, ang pagbibigay ng permesso di soggiorno provvisorio ay sasailalim sa pagsusuri ng Questore.