Magandang umaga, ako po ay mayroong permit to stay para magpagamot (cure mediche) nais ko pong itanong kung maaari akong magtungo sa ibang Schengen countries.
Nob 15, 2012 – Ang permit to stay sa pagpapagamot ay ibinibigay batay sa pangangailangan ng dayuhang sumailalim sa medical treatment o therapies.
Ang mga ito ay patutunayan sa pamamagitan ng mga medical certificates buhat sa ospital o klinika na susubaybay sa dayuhan sa panahon ng treatment/therapy. Bukod dito, ang dayuhan ay dapat magpakita ng mga katibayan ng pagkakaroon ng sapat na mapagkukunang pinansyal para sa pagpapagamot.
Ang ganitong permit to stay, samakatwid, ay ipinagkakaloob batay sa panahong kinakailangan para magpagamot.
Ang permesso di soggiorno per cure mediche ay ibinibigay rin maging sa mga undocumented na nagdadalang-tao sa bansang Italya. Ang artikulo 19 ng TU o batas ng imigrasyon sa katunayan ay nagsasaad na hindi maaaring patalsikin mula sa bansa ang mga nagdadalang-tao na undocumented. Sa ganitong kaso, ang nasabing permit to stay ay ibinibigay para sa panahon ng pagbubuntis at karagdagang 6 na buwan matapos ang panganganak. Batay dito, matapos ang hatol ng Constitutional Court, ay nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga future father na magkaroon ng permit to stay.
Batas sa Europa
Ang batas sa Europa n. 562 ng 2006, ay nagtalaga ng mga batas sa pagtawid ng internal at external borders ng mga bansa ng EU, kahit pa sa maikling panahon lamang ng pananatili.
Ang batas ay nagsasaad , kung saan hinihingi ng international law, ang dayuhan ay dapat na nagtataglay ng kinakailangang entry visa sa pagpasok at pananatili ng maikling panahon (hanggang 90 days) o nagtataglay ng balidong permit to stay.
Sa pagkakaroon ng balidong permit to stay, kahit buhat sa ibang bansa ng EU, ay nagpapahintulot upang manatili ng maikling panahon sa bansang sakop ng Schengen agreement.
Samanatala, para sa pananatili ng higit sa 90 araw ay kinakailangang magkaroon ng angkop na entry visa sa pamamagitan ng mga konsulado ng bansang pupuntahan.
Ang maigsing panahon ng pananatili ay maaaring para sa turismo, pag-aaral, business, sports, religious, etc.. Ang immigration ay kokontrolin ang pagkakaroon ng angkop na dokumentasyon na magpapatunay ng dahilan ng biyahe, ang pagkakaroon ng sapat na halaga at angkop na titirahan, ang back and forth ticket at gagawin ang mga pagsusuri sa pagpasok sa bansa ng dayuhan.
Permesso per cure mediche sa Europa
Ang permesso per cure mediche ay hindi kabilang sa mga uri ng permit to stay kung saan ipinagbabawal ang pagpasok at pananatili sa ibang Schengen countries. Samakatwid, ay isinasaalang-alang na ang pagkakaroon ng ganitong uri ng permit ay nagpapahintulot sa free movement sa mga Schengen countires para sa maikling panahon ng pananatili. Sa kabila nito, kinakailangan ang pagkakaroon ng sapat na dokumentasyon tulad ng nabanggit sa itaas. Dapat ding isaalang-alang na ang free movement ay maaaring limitado dahil sa karamdaman at maaaring makahawa, samakatwid ay kailangang dala palagi ang mga dokumentasyon na nagsasaad ng dahilan ng releasing ng nasabing permit to stay.
Mahalagang tandaan, ayon sa TU o batas ng imigrasyon, ang permit to stay sa pagpapagamot ay ibinibigay batay sa panahon ng treatment o therapy at renewable habang kinakailangan gawin ang treatment sa pagkakaroon ng supporting documents. Bukod dito ang ganitong uri ng permit to stay ay revocable, kung magkukulang sa mga requirements na kinakailangan sa pagpasok at pananatili sa loob ng bansa.
Maaari ring mapatalsik kung hindi mapapatunayang para sa balidong dahilan ang paglabas ng Italya.