Ako ay isang dayuhan at ako ay pinitisyon ng aking asawa. Ang aking permit to stay ay pang-pamilya upang makasama ang aking asawa dito sa Italya. Ngunit kami, sa kasalukuyan, ay nagkakaroon ng mga problema. Sa kasong kami ay magkahiwalay, maaari ba akong manatili sa Italya?
Ang permit to stay na pang-pamilya (per motivi familiari) tulad ng lahat ng klase ng permit to stay na nauugnay sa ganitong motibo, ay ipinagkakaloob upang magkasama-sama ang pamilya.
Ang elementong ito ay implicit bilang katangian ng permit to stay, at ang pagkakaloob nito ay bilang pamilya at ka-pamilya na nabibigkis ng pagmamahalan.
Kapag ang dahilang ito ay nawala, mawawala din ang mahalagang katangian ng permit to stay, at ang resulta nito ay maaaring tanggihan ang issuance o pawalang-bisa ang permit to stay.
Ang Paghihiwalay at ang diborsiyo
Ang pagkakawalang bisa ng epektong sibil ng kasal sa Italya, ay nagsisimula sa legal na paghihiwalay ng mag-asawa (legal separation), na maaaring matapos sa hukuman (giudiziale), kung walang kasunduan sa pagitan ng asawa o mutual consent (consensuale), kapag may kasunduan sa pagitan ng mag-asawa. Sa parehong mga kaso ay kinakailangang dalhin ito sa Korte para sa isang naaangkop na mga pagkilos (Upang malaman kung anu ano ang mga sumasaklaw sa legal separation at mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay inirerekumenda ang pakikipag-ugnayan sa isang abogado ng Diritto di famiglia).
Pagkatapos ng 3 taon ng legal separation ng mag-asawa, ito ay kung ang pagsasamang literal at spiritwal ng mag-asawa ay hindi na mapapanatili at maipagpapatuloy, ay maaring lumapit sa Hukuman upang ihayag ang diborsiyo.
Ang paghahayag ng paghihiwalay (sa hukuman man o may mutual consent) ay hindi magtatanggal ng epektong sibil ng kasal, at nawawalang bisa lamang ito sa pamamagitan ng diborsiyo, ngunit ito ay nagbabawas nang elemento ng pagsasama ng mag-asawa dahil ang patuloy na pagsasama ay magpapahaba ng status ng legal separation at maaaring maging mahalagang aspeto upang pawalang bisa ang mga epekto ng legal separation, kung magkakasundong muli ang mag-asawa.
Mga epekto ng paghihiwalay at diborsyosa dayuhan
Dahil sa nababawasan ang elemento nang pagsasama ng mag-asawa, ngunit ito ay kinakailangan para sa issuance ng permit to stay na pang-pamilya, ay bumababà rin ang posibilidad upang ibigay ito o ang ipagkait ng batas ang pagkakaloob nito.
Ang Batas sa migrasyon (Testo Unico sull’Immigrazione), ay nagpapahintulot sa dayuhan na nasa ganitong kalagayan, ang i-convert ang permit to stay na pang-pamilya sa ibang uri nito (artikulo 30 talata 5 TU). Ang batas ay nagpapahintulot na sa kaso ng legal separation o divorce, ang permit to stay na pang-pamilya ay maaaring i-convert sa isang permit to stay na pang-trabaho (lavoro subordinato), autonomo (self-employed) at pag-aaral (studio). (Ipinapaalala ang desisyon ng Korte ng Lombardy n. 685 taong 2010, kung saan ang mga administrative na hukom, na tinawag sa isang pagtanggi ng conversion at itinalagang, “kung tinataglay ang mga kinakailangan para sa issuance ng ibang uri ng permit to stay, ang conversion ay posible”).
Ngunit kailangang bigyang-diin, gayunpaman, na ang conversion ay hindi awtomatiko, at kinakailangan ang pagnanais ng dayuhan. Ang Konseho ng Estado rin (Desisyon n. 767 ng taong 2005), ang naghayag na sa isang refusal o pagtanggi ng permit to stay na pang-pamilya “ang conversion ay dapat hingin mismo ng taong nangangailangan nito, dahil ang mga tanggapan ay hindi maaaring malaman kung sinuman ang nangangailangan nito at nararapat na suriin ang mga requirements para sa issuance ng ibang uri ng permit to stay. Sa kabilang banda, tanging ang hindi pakikipag-ugnayan ng taong nangangailangan nito, sa panawagan ng mga tanggapan sakaling kulang ang mga requirements para sa releasing ng ibang uri ng permit to stay, ay sapat ng dahilan para magpawalang-bisa sa pagpapatalsik sa dayuhan mula sa bansa. “
Kung kaya’t ang dayuhang nasa legal separation at hindi na nakikisama sa asawa ay maaaring magpadala ng request sa pamamagitan ng mga post offices, ng conversion ng permit to stay na pang-pamilya sa ibang uri ng permit to stay, kalakip ang mga requirements ng uri ng permit to stay na hinihingi kung ito man ay subordinate, self-employment o para sa pag-aaral.