in

Permesso per studio maaaring i-convert sa permesso attesa occupazione?

Ako ay isang foreign student at ang aking permit to stay per studio ay malapit na ang expiration. Ako ay nagtapos ng pag-aaral sa Italya, ngunit sa ngayon ay wala pa akong nakikitang trabaho. Maaari ba akong mag-aplay ng permesso per attesa occupazione?   

 

Ang mga dayuhang mag-aaral, sa expiration ng kanilang permesso per studio ay maaaring mag-request ng releasing ng permit to stay per attesa occupazione kung hindi pa nakakakita ng trabaho makalipas ang pagtatapos. 

Upang maisumite ang request, ang aplikante ay kailangang kumuha o nakapagtapos ng laurea triennale o bachelor o master degree, o doctorate, tulad ng nasasaad sa D.Lgs. 286/98. 

Bago ang expiration ng permit to stay per studio o pagtatapos ng nabanggit sa itaas, ang aplikante ay kailangang magpunta sa Centro per l’Impiego kung saan residente upang magpatala sa lista di collocamento. 

Matapos ang registration sa nabanggit na tanggapan, dala ang dokumentayson buhat sa Centro per l’impiego ay maaaring mag-request ng releasing ng permesso per attesa occupazione sa pamamagitan ng kit.

Sa kit ay ilalakip ang kopya ng mga sumusunod na dokumento:

– Ang pahina ng pasaporte kung saan matatagpuan ang mga personal datas, iba’t ibang timbro tulad ng renewal, pagpasok at paglabas ng bansa pati na rin ang entry visa;

– Registration sa lista di collocamento

– Diploma o anumang kwalipikasyon ng tinapos sa Italya

– Permit to stay

– Codice fiscale

– Marca da bollo na 16 euros

Ang mga gagastusin ay ang sumusunod: revenue stamp na € 16.00, releasing ng electronic permit to stay na nagkakahalaga ng € 30.46 (ito ay babayaran sa pamamagitan ng postal bill na nasa loob ng kit) at € 30.00 para sa post office para sa pagpapadala ng kit.

Ang permesso per attesa occupazione ay balido ng 12 buwan lamang, panahong pinahihintulutan upang ang dayuhan ay magkaroon o makahanap ng trabaho, dahil ito ay hindi renewable ngunit convertible sa permesso per lavoro autonomo o subordinato o familiari kung nagtataglay ng mga requirements. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang panunumpa bilang Italian citizen

Mga qualified Balik-Manggagawa, hindi na mangangailangan ng OEC