Magandang araw. Ako ay nag-renew ng permit to stay at nakita ko ang nakasulat na “perm. unico lavoro”. Ang ganito po bang uri ng dokumento ay magagamit para mag-trabaho sa ibang EU country?
Hulyo 10, 2014 – Ang salitang “permesso unico lavoro” ay makikitang nakasulat simula nitong Abril 6, 2014 sa ilang uri ng permit to stay ng may isa o dalawang taong validity na nagpapahintulot makapag-trabaho (tulad ng mga permesso di soggiorno per motivi familiari) ngunit hindi balido para mag- trabaho sa ibang EU country dahil ito ay hindi EC long term residence permit o carta di soggiorno.
Ang uring ito ng permit to stay, tulad ng nasaaad sa Batas 2011/98/UE, ay nagpapahintulot sa malayang pagpasok, paglabas at pananatili sa bansang nag-isyu ng dokumento at sa pansamantalang pagbisita sa EU countries para sa maikling pananatili (higit sa 90 araw tuwing 6 na buwan).
Ito ay tumutukoy sa iisang dokumento para sa pananatili at pagta-trabaho sa bansang nag-isyu ng dokumento. Ang salitang ito, sa katunayan, ay inilalagay batay sa Batas bilang 40/2014, na nagpapahintulot sa may-ari na malaman ang mga karapatang napapaloob sa uri ng dokumentong hawak. Ang mga impormasyon sa katunayan, ay nararapat na ipagkaloob sa araw na pirmahan ang ‘integration agreement’. Bukod dito, ang salitang nabanggit, ay magpapahintulot sa mga employers na maintindihan kung sino ang mga maaaring i-hire o hindi tulad ng nagma-may-ari ng ibang uri ng permit to stay na hindi balido para sa trabaho.
Ang ilang uri ng permit to stay, na maaaring magamit sa trabaho, gayunpaman, ay walang salitang “permesso unico lavoro” tulad ng:
– documento di soggiorno rilasciato ai familiari dei cittadini UE,
– permesso di soggiorno CE per lungo soggiornante (carta di soggiorno),
– carta blu UE
– permesso di soggiorno per lavoro stagionale,
– permesso di soggiorno per lavoro autonomo,
– permesso di soggiorno rilasciato ai sensi dell’art. 27, comma 1, lett. a, g, h, i e r,
– permesso di soggiorno per studio o formazione (consente l’attività lavorativa per un massimi di 1044 ore all’anno)
– documento di soggiorno rilasciato agli stranieri per protezione internazionale (motivi umanitari, status di rifugiato e protezione sussidiaria)