in

Permesso unico per lavoro, magpapahintulot sa paninirahan at pagta-trabaho sa ibang EU countries?

Nakuha ko na ang aking renewed permesso di soggiorno per motivi familiari at aking napansin ang nakasulat dito na “perm. unico lavoro”. Sa pamamagitan po ba nito ay maaari akong magtrabaho sa ibang EU country?

 

 

Marso 16, 2017 – Mula noong nakaraang April 6, 2014 ay makikitang nakasulat ang mga salitang “perm. unico lavoro” sa ilang uri ng mga permit to stay, na may validity ng 1 o 2 taon, na nagpapahintulot sa regular na pagta-trabaho sa nagmamay-ari nito kahit na ang permit to stay ay hindi para sa trabaho.

Ang mga salitang ito, sa katunayan, ay idinadagdag sa permit to stay batay sa D. Lgs. n. 40/2014, ay tumutukoy sa iisang dokumento na nagpapahintulot sa parehong paninirahan at pagta-trabaho sa EU country ng nag-isyu nito, ngunit hindi balido sa pagta-trabaho sa ibang bansa ng Europa dahil ito ay hindi isang EU long term resdience permit o carta di soggiorno.

Ang ganitong uri ng permit to stay, tulad ng nasasaad sa Directive 2011/98/UE, ay nagpapahintulot sa employer na madaling maunawaan kung pwede o hindi ma-empleyo ang dayuhang mayroong permit to stay na ang motibo ay hindi para sa trabaho.  

Isang paalala na sa ilang uri ng permit to stay na may pahintulot mag-trabaho, ay hindi nakikitang nakasulat ang mga salitang nabanggit tulad ng:
–    permit to stay ng mga miyembro ng pamilya ng EU nationals
–    carta di soggiorno
–    carta blue (na ibinigay sa mga high skilled workers na pumasok sa Italya labas ng decreto flussi)
–    permit to stay for subordinate job
–    permit to stay for self employment
–    permit to stay na inisyu batay sa artikulo 27, talata 1, letra a, g, h, i e r  (highly qualified workers na pumasok sa Italya sa labas ng decreto flussi)
–    permit to stay para sa pag-aaral o formation (na nagpapahintulto makapag-trabaho hanggang sa 1044 oras kada taon)
–    permit to stay na ibinigay sa mga dayuhang naninirahan sa Italya dahil sa humanitarian purposes, refugess at temporary protection
 

ni: Maria Elena Arguello
isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay
 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonues bebè, 15,000 na ang mga aplikasyon sa Inps

Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino

200 euros para sa citizenship, ganito dapat bayaran