in

Permit to stay, awtomatiko bang pawawalang-bisa dahil sa isang hatol?

Nasasaad sa batas ng Italya, partikular ang legislative decree n. 286 ng 1998 ang pagiisyu ng:

  • Permesso di soggiorno ordinario batay sa artikulo 5 ng decree 286 ng 1998;
  • Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo o EC long term residence permit batay sa artikolo 9 ng parehong decree 286 ng 1998.

Sa parehong nabanggit ay nasasaad rin ang posibilidad ng revoca o pagpapawalang bisa ang dokumento. At isa sa mga dahilan nito ay itinuturing na panganib at banta sa public order at security ang owner nito.

Samakatwid, kung pinaniniwalaan ng awtoridad (o Questura) na ang dayuhan ay banta sa public order at security, ay maaaring pawalang-bisa ang balidong dokumento bagaman hindi ito awtomatiko.

Ang Questura, kung mayroong sapat na dahilan upang pawalang bisa ang dokumento, bukod sa pagkakaroon ng hatol dahil sa pagkakasangkot sa isang krimen, ay kailangang tukuyin ang mga dahilan kung bakit itinuturing na ang dayuhan ay banta sa seguridad ng bansa.

Samakatwid hindi sapat na sabihing isang banta ang dayuhan bagkus ay dapat ibigay sa detalye ang mga dahilan kung bakit ang dayuhan ay magiging mapanganib sa komunidad. Kailangang isaalang-alang ang naging buhay at naging pag-uugali sa nakaraan bago ang krimen, pati na rin ang araw-araw na pamumuhay at ang integrasyon nito sa sosyedad.

Gayunpaman, ang ‘provvedimento’ sa pagpapawalang bisa ng permesso di soggiorno ay maaaring labanan sa pamamagitan ng pag-aapela sa hukom.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Iwasan ang influenza o trangkaso, narito kung paano

regularization-2020

Pagtatanggal sa trabaho ng colf, maaari kahit berbal lamang