in

Permit to stay, maaari bang i-renew kung ang employer ay hindi binayaran ang kontribusyon?

Magandang umaga po. Ako po ay nag-request ng renewal ng aking permit to stay para sa trabaho ngunit natuklasan ko na ang aking employer ay hindi nagbayad kaylanman ng kontribusyon sa Inps. Maaari bang itanggi ang renewal ng aking permit to stay?

 

Nobyembre 7, 2013 – Ayon sa batas ng Italya, ang sinumang nagta-trabaho sa anumang sektor ay dapat magbayad ng mga kontribusyon para sa seguridad. Sa kaso ng mga imigrante, ito ay kinakailangan upang manatili sa bansa at batayan sa issuance at renewal ng permit to stay. Sa katunayan, sa pagkakataong magkulang sa mga requirements na kinakailangan para manatili sa Italya, ang issuance at renewal ng permit to stay ay maaaring tanggihan batay sa artikulo 5 ng D.Lgs. 286/98.

Sa subordinate job  ang pagbabayad ng kontribusyon ay naka-atang sa employer, dahil dito ang worker ay kailangan lamang alamin kung ang pagbabayad sa kontribusyon ay nagawa ng regular ng employer at i-follow up ito kung kung sakaling nakaligtaan ng employer. Samakatwid, sa kasong nabanggit, ang worker ay walang obligasyon ukol sa pagbabayad at hindi maaaring tanggihan o tanggalan ng permit to stay. Ngunit kung ang dayuhan naman ay self-employed, ang tanging responsabile sa pagbabayad ng kontribusyon ay siya mismo tulad ng nasasaad sa batas.

Sa pagsusumite ng request sa issuance at renewal ng permit to stay, ang Questura ay sinusuri ang lahat ng dokumentasyon na nakalakip dito, kabilang ang mga dokumenatsyon ukol sa trabaho. Sa kasong ang mga ito ay kulang o di angkop, ang awtoridad, bago tuluyang tanggihan ang issuance ng dokumento, ay magbibigay ng abiso ng pagtanggi kung saan nasasaad ang mga dahilan nito. Ang dayuhan, sa pagtanggap ng komunikasyon, ay kinakailangang idagdag ang mga nasasaad na kulang na dokumento sa itinakdang panahon lakip ang patunay ng pagkakaroon ng mga requirements sa pagpasok at pananatili sa bansa.  

Alinsunod sa art. 5 ng batas 286/98, sa pagkakaroon ng anumang administrative irregularities na maaaring maresolba, ang awtoridad ay hindi maaaring tanggihan o bawiin ang permit to stay, maliban na lamang kung ang irregularity na ito ay walang lunas. Sa kasong ito, ang hindi pagbabayad ng kontribusyon sa isang subordinate job ay hindi maaaring makaapekto sa issuance o renewal ng dokumento, dahil ang dayuhan ay hindi maaaring direktang manghimasok sa obligasyong ito ng employer.

Ito ay pinatunayan sa pamamagitan ng hatol bilang 785 ng 23 Set 2013 buhat sa hukuman (TAR).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Virtual Pinay, nagtukoy sa 1,000 pedophile

Maybel Perilla, kinoronahang Bb Pilipinas Italy 2013