in

Permit to stay sa Italya, maaaring gamitin sa ibang bansa ng EU upang mag-aral o mag-trabaho?

Magandang umaga po, ako ay isang Pilipino na mayroong regular na permit to stay na ipinagkaloob sa Italya. Maaari ba akong mag-trabaho o mag-aral sa ibang bansa ng EU?

Ang posibilidad na mag-trabaho o mag-aral ng isang kurso higit sa tatlong buwan sa ibang bansa ng EU, ay ipinapahintulot lamang sa mga EC long term residence permit holders o ang dating carta di soggiorno at samakatwid ay naiiba sa unang ipinagkakaloob na permit to stay sa mga non-EU nationals.

Ang normal na ‘permit to stay’ ay nagpapahintulot upang manatili sa loob ng Schengen Area sa loob ng 90 araw.

Ang pagiging permit to stay holder (di kabilang ang mga per cure mediche, asilo politico o giustizia), ay nagpapahintulot sa free circulation sa loob ng Schengen area para sa maikling panahon ng pananatili, hanggang 90 araw. Kinakailangan ang pagre-report ng pananatili sa mga pulis ng bansang napili. Ang maikling panahon ng pananatili ay maaring para sa business, short courses, sports, research, political, religious at cultural purposes. Gayunpaman, ang dayuhan ay dapat na nagtataglay ng mga dokumentasyon para sa pagpasok sa bansang napili. (Maaaring malaman ang mga dokumentasyon kasama ng Regolamento Europeo n. 562 ng 2006.)

Kung ang dayuhan ay mayroong regular na permit to stay na ipinagkaloob sa Italya (studio, lavoro, familiare etc..) upang makapag-trabaho o makapag-aral ng kurso higit sa 3 buwan, ay kailangang sundin ang proseso sa ilalim ng batas ng bansang napili para sa kaukulang entry visa at ng permit to stay.

Ang EC long term residence permit ay nagpapahintulot upang makapag-trabaho at makapag-aral sa ibang bansa ng Europa

Ang mga non-EU nationals, na kinilala ang status ng long term residency sa isa sa mga bansa ng EU, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng angkop na dokumento (carta di soggiorno), ay maaaring manatili sa bansa ng EU ng higit sa 3 buwan upang mag-trabaho o kumuha ng kurso. Ito ay itinakda ng Direttiva Europea n. 109 ng taong 2003 (sa Italya sa pamamagitan ng d. lgs. N. 3 ng 2007). Dapat tandaan na ang mga bansa, sa ilalim ng mga itinakdang kundisyon, ay maaaring limitahan sa bilang ang mga pagbibigay ng nasabing karapatan.   

Para sa pananatili sa bansang napili, ay maaaring hingin sa dayuhan ang katibayan ng pagkakaroon ng sapat na financial resources, accomodation at health insurance.

Bukod dito, batay sa motibo ng pananatili ng dayuhan ay maaaring hingin ang mga sumusunod:

a. bilang employee, ang kontrata at deklarasyon ng employer ukol sa hiring na naaayon sa batas

b. self-employment, ang katibayan ng sapat na pondo upang masimulan ang business, ang pagkakaroon ng sapat na dokumentasyon at mga permit o pahintulot ayon sa batas

c. para sa pag-aaral naman ay maaaring hingin ang katibayan tulad ng enrollment sa eskwelahan o anumang institusyon kung saan mag-aaral ng kurso

Sa ikalawang bansang miyembro ng EU, ay ipagkakaloob sa permit to stay angkop sa motibo ng pananatili (subordinate job, self-employment o studies). Isang komunikasyon buhat dito ukol sa pagkakaloob ng EC long term residence permit ang ipararating sa unang bansa ng EU na pinagmulan ng dayuhan.

Kanselasyon ng EC long term residence permit

Ang paglipat sa ibang bansa ng EU dahil sa trabaho o pag-aaral ay hindi sapat na dahilan upang kanselahin ang carta di soggiorno.

Ang kanselasyon ay magaganap lamang matapos ipagkaloob ang EC long term residence permit ng ikalawang bansang miyembro ng EU at kung aabot sa anim na magkakasunod na taon ang pagkawala sa bansa ng EU.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, namatay sa bugbog ng kapwa Pinoy

Buwis at sahod, gagawan ng self-certification