Magandang umaga po. Ako po ay nag-aplay ng EC long term residence permit (o dating carta di soggiorno) ngunit hindi po ito ibinigay sa akin dahil sa kakulangan ko sa mga requirements. Muli akong binigyan ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato balido ng 2 taon. Maaari ba akong humingi ng refund?
Marso 6, 2015 – Tanging sa ilang kundisyon lamang maaaring humingi ng refund o ng diperensya sa binayang uri ng dokumento. Sa kasong ang hiniling na uri ng dokumento ay hindi ibinigay dahil ang aplikante ay kulang sa requirements, ay hindi maaaring ibigay ang refund mula sa ibinayad na halaga.
Ang Public Administration, sa pamamagitan ng Circular n. 2665/2012,ay nilinaw ang posibilidad ng refund nang halagang ibinayad para sa aplikasyon ng permit to stay.
Una sa lahat ay ipinapaalam na ang kabuuang halaga ay babayaran ng buo sa araw ng pagsusumite ng aplikante ng ‘kit’ sa post office, sa pamamagitan ng postal bill na matatagpuan sa loob nito. Ang halagang ito ay ang kabuuan ng dalawang magkahiwalay na bayarin:
– € 27.50 ay ang kabayaran sa electronic permit to stay
– Ang halagang nalalabi naman ay nag-iiba batay sa iba’t ibang kaso na matatagpuan sa ibaba. Ito ay ang halagang binabayaran ng aplikante sa serbisyo ng administrasyon. Ito ay nag-iiba batay sa uri at validity ng permit to stay:
a. € 80,00 para sa mga permit to stay na may validity ng higit sa 3 buwan at mas mababa o di lalampas sa isang taon
b. € 100,00 para sa mga permit to stay na may validity ng higit sa 1 taon at hindi lalampas sa 2 taon.
c. € 200,00 para sa releasing ng EC long term residence permit at para sa aplikante ng mga permit to stay alinsunod sa art. 27, talata 1, letra a) ng legislative decree. Hulyo 25, 1998, bilang 286
May ilang mga kaso kung saan ang pababayad ng halagang mula € 80,00 hanggang € 200,00 ay hindi kailangang idagdag sa halagang € 27.50
– Regular na dayuhang residente na hindi lalampas sa 18 taong gulang
– Menor de edad na anak na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification
– Dayuhang pumapasok sa bansa para magpagamot, pati ang kanilang mga tagapag-alaga
– Dayuhang nag-aplay ng releasing o renewal ng permit to stay for asylum, international protection o humanitarian purposes, maging sa kanilang pag-aaplay ng EC long term residence permit o dating carta di soggiorno
– Dayuhang nag-aplay ng update o aggiornamento o conversion ng balidong permit to stay.
Sa kasong ang dayuhan ay nagbayad ng halagang nabanggit, kahit na hindi dapat itong bayaran, ay maaaring mag-requent ng refund sa Questura ng personal o sa pamamagitan ng koreo, lakip ang sumusunod na dokumento:
1. Refund application o domanda di rimborso na may revenue stamp ng €16.00
2. Orihinal na liham ng “nulla osta di rimborso” na tinanggap ng aplikante mula sa Ufficio Immigrazione sa araw ng re leasing ng permit to stay
3. Original postal bill na nagpapatunay ng binayarang halaga
4. Kopya ng fiscal code ng aplikante
Kaugnay nito ay ipinapaalala na kung ang uri ng permit to stay ay hindi ipinagkaloob dahil sa kakulangan sa requirements, ang aplikante ay walang karapatang mag-aplay para sa refund ng halagang binayaran (ang halagang mula € 80,00 hanggang € 200,00) dahil ang halagang ito, ayon sa awtoridad ay kailangang bayaran o dovuto dahil sa ginawang pagsusuri sa aplikasyon. Ngunit possible ang hingin ang refund ng € 27.50 o ang halaga ng electronic permit to stay kung hindi ibibigay ang anumang uri ng dokumento. Sa kasong ito, ang request ay ipapadala saMinistero dell’Economia e delle Finanza at hindi sa Questura.
D.ssa Maria Elena Arguello
isinalin a wikang tagalog ni: PGA