Bawat administrative procedure sa Italya, na nagsisimula sa pamamagitan ng isang ‘richiesta’ o request (samakatwid kasama ang aplikasyon para sa permesso di soggiorno at citizenship) ay magtatapos sa pamamagitan ng tinatawag na ‘provvedimento’ o administrative provision. Bago pa man matanggap ang nabanggit na desisyon, ay dapat ipagbigay-alam ito sa pamamagitan ng isang abiso.
Sa kaso ng aplikasyon para sa permesso di soggiorno o cittadinanza, ang karampatang Questura o Ministry of Interior ang magpapadala sa dayuhan ng komunikasyon, ang “Comunicazione ex. Art. 10bis, L. 241/1990’ o ‘preavviso di rigetto’. Samakatwid, sa pamamagitan ng isang liham – registered mail – kung saan nagbibigay abiso ukol sa pinal na desisyon at samakatwid ang rejection sa aplikasyon.
Preavviso di rigetto, ano ito at ano ang dapat gawin kapag natanggap ito?
Ang preavviso di rigetto ay posibleng dahil sa simpleng kakulangan ng mga dokumentasyon o ang pagkakaroon ng hadlang para aprubahan ang aplikasyon (halimbawa: salary requirement, criminla record, kawalan ng patunay ng relasyon sa pamilya …) .
Dahil dito, ang komunikasyong nabanggit ay napakahalaga. Tulad ng karaniwang tinutukoy sa liham, ang aplikante ay binibigyan ng palugit o panahon hanggang 10 araw upang ilakip sa aplikasyon ang kulang na dokumento o depensa bilang pagtatanggol para tuluyang aprubahan ang aplikasyon.
Mahalagang tandaan na kahit sa panahon ng palugit na nabanggit ay hindi obligatory, ngunit mas makakabuting tumugon sa tulong ng isang abugado, sa lalong madaling panahon na magpapahintulot sa Administrasyon na tapusin ang proseso makalipas ang 10 araw mula sa araw ng komunikasyon.
Ang Questura, Prefecture o Ministry sa kasong ito, ay kailangang isaalang-alang ang mga inilakip na dokumentasyon at depensang isinumite, gaya ng nasasaad sa Batas sa Administrative procedures. Ang final provision sakaling hindi aprubahan ang releasing ng document o aplikasyon ng isang proseso, ay dapat magbigay ng mga angkop na motibasyon sa aplikante, na maaaring tanggihan sa pamamagitan ng apela sa karampatang Hukuman. (Atty. Federica Merlo – www.stranieriinitalia.it)