Ang lahat ng mga tumatanggap ng mga tinatawag na ‘sostegno al reddito’ tulad ng Naspi at Reddito di Cittadinanza ay obligadong maging bahagi ng programma GOL.
Programma GOL
Ang programma GOL (Garanzia di Occupabilità dei Lavoratori) ay bahagi ng Piano Nazionale di Ripresa e Resilienza o PNRR ng Italya para sa panahon ng 2021-2025 at naglalayong palakasin ang employment at labanan ang unemployment sa Italya. Layunin nito na gabayan ang mga walang trabaho sa pamamagitan ng limang hakbang na magpapahintulot na mapataas ang kakayahang magtrabaho sa labor market tulad ng job reintegration, upgrading o upskilling, requalification at job inclusion.
Sa pamamagitan ng isang colloquio o interview, ay tinutukoy ng operator ng Centro per l’Impiego ang professional career, tinutuklas ang mga skills at inaalam ang mga objective o subjective factors na maaaring maging elemento ng kahinaan o hadlang. Sa pagtatapos ng nabanggit na interview, batay sa natukoy na profile, ang worker ay isasailalim sa isa sa limang hakbang na inilaan ng programa.
Sino ang may access sa programa GOL?
May access sa programa GOL ang mga sumusunod:
- workers na nasa Cassa Integrazione;
- mga tumatanggap ng Naspi, DISColl, Reddito di Cittadinanza;
- young NEETs (Not in Education, Employment or Training) ;
- disadvantaged women (long-term unemployment);
- people with disabilities or frailty;
- over 55 unemployed;
- working poor (workers with very low incomes)
- Self-employed workers with VAT number
Maaari bang tanggihang maging bahagi ng programma GOL ang mga tumatanggap ng Naspi at Reddito di Cittadinanza?
Ang kawalan ng partesipasyon ng unemployed tulad ng mga tumatanggap ng Naspi at Reddito di Cittadinanza na maging bahagi ng programma GOL ay nangangahulugan ng pagtanggi ding magpatuloy sa pagtanggap ng mga benepisyo. Samakatwid, ang partesipasyon sa programa Gol ay obligatoryat hindi maaaring tanggihan.
Para sa mga karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Centro per l’Impiego o bisitahin ang website ng ANPAL (PGA)