in

Pumasok bilang seasonal worker sa Italya, maaari bang manatili sa bansa?

Sa pamamagitan ng Decreto Flussi, ako ay nagta-trabaho bilang seasonal worker at maaaring manatili sa bansa ng anim na buwan. May magandang oportunidad ngayon para magkaroon ako ng bagong trabaho at contratto indeterminato. Maaari ba akong manatili sa Italya? Paano ang gagawin ko sa aking permit to stay? 

 

Roma, Nobyembre 21, 2016 – Ang sinumang magkakaroon ng non-seasonal job ay maaaring i-convert mula sa lavoro stagionale sa lavoro subordinato ang permit to stay sa unang pasok pa lamang sa Italya, anuman ang uri ng kontrata, determinato o indeterminato man

Para magawa ang conversion, ay kailangang suriin ang bilang o quota na inilalabas ng decreto flussi (ngayong taon ay may nakalaang 4600 para sa ganitong sitwasyon). Bukod dito, sa pag-aaplay, ang dayuhan ay kailangang mayroong balidong permesso di soggiorno per lavoro stagionale. 

Ang buong proseso ng conversion ay gagawin sa Italya at hindi na kailangang bumalik sa sariling bansa ang dayuhan para magkaroon ng entry visa para sa subordinate job.

Ang aplikasyon ay ipapadala online sa Ministry of Interior, sa pamamagitan ng form VB. Samantala, ang mga dokumento na susunod na isumite sa Prefecture ay ang sumusunod: 

  •     Revenue Stamp € 16,00 para sa application;
  •     Revenue Stamp € 16.00 na ilalagay sa clearance o nulla osta;
  •     Balidong permesso di soggiorno per lavoro stagionale
  •     Employment contract sa subordinate job o contratto di lavoro subordinato non stagionale 
  •     Kopya ng dokumento ng employer
  •     Balidong pasaporte ng aplikante
  •     Comunicazione obbligatoria di assunzione (modello Unilav di asunzione) ng unang pagpasok sa Italya

Sa kasong positibo, ang Sportello Unico per Immigrazione ay magbibigay ng appointment para sa pagpirma ng contratto di soggiorno at pagbibigay ng form para sa issuance ng permit to stay per lavoro subordinato na ipapadala naman sa Questura sa pamamagitan ng postal kit. 

Ang Questura ay mag-iisyu ng permit to stay per lavoro subordinato matapos makumpleto ang prosesong kinakailangang para sa issuance ng nasabing dokumento. 

 

ni: D.ssa Maria Elena Arguello

isinalin sa tagalog ni: PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kontribusyon ng mga colf, dapat bayaran hanggang April 11

Pinoy, patay sa pagsabog ng isang bar sa Roma