Ang Circular ng Ministry of Health noong October 12, 2020 ay nagbibigay linaw ukol sa pagkakaiba at tamang gamit ng dawalang salita: ang Isolation at ang Quarantine.
Narito ang depinisyon at pagkakaiba ng dalawa
Ang Quarantine ay tumutukoy sa pagbibigay limitasyon sa movement ng mga pinaghihinalaan bagaman hindi infected na tao sa panahon ng incubation period, na maaaring napalapit o nagkaroon ng close contact sa taong infected. Layunin sa panahong ito na bantayan ang paglabas ng anumang sintomas at maiwasan ang nakahawa ng ibang tao.
Ang Isolation naman ay tumutukoy sa paghihiwalay sa karamihan o komunidad ng mga infected na at kumpirmadong carrier na ng virus sa panahong nakakahawa ito, sa lugar at kundisyon na maiiwasan ang pagkalat nito.