in

Reddito di Cittadinanza per stranieri, sapat ba ang self-certification para sa kita at ari-arian sa sariling bansa?

Matatandaang ilang susog ang isinusulong ng Lega bilang paghihigpit sa mga dayuhan para matanggap ang Reddito di Cittadinanza tulad ng sertipiko mula sa sariling bansa ng dayuhan ukol sa financial at real estate assets pati na rin ang family composition. Ang sertipiko ay kailangang translated, authenticated at legalized ng Italian embassy o consulate sa country of origin.

Dahil ang kinakailangang certificate mula sa Pilipinas ay matatagalan, maaari bang gumamit muna ng self-certification sa pag-aaplay ng Rdc?

Ang panukala kaugnay sa bagong requirement ng certification, na nabanggit sa katanungan ay HINDI pa nasasaad sa kasalukuyang ipatutupad na dekreto dahil ang panukala ay kasalukuyan pang sumasailalaim sa pagsusuri sa Parliyamento.

Samakatwid, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito kinakailangan. Ang mga dayuhang mag-aaplay ay kailangang ibigay lamang ang mga datos na nasasaad sa quadro B ng application form.

Kung ang panukala ay ganap na maaaprubahan at kung sa pagsasabatas nito ay wala ng ibang susog na nais pang isulong, ay maibibigay ang mas detalyadong indikasyon ukol sa kinakailangang certificate.

Sa kasalukuyan, ay maaari lamang magbigay ng opinyon: ang pamantayan (na hindi pa ipinatutupad) ay tumutukoy sa pangangailangan sa isang sertipiko ukol sa sahod at ari-arian ng dayuhan sa sariling bansa na magmumula sa authorized office dito, translated at legalized ng italian consulate/embassy sa sariing bansa.

Gayunpaman, ang self-certification o autecertificazione ay hindi pinahihintulutan at sa pagpapatupad nito matapos aprubahan ay kailangang magsumite ng nabanggit na sertipiko.

Sa madaling salita, ang mga dayuhan ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa March 6, ang petas na simula ng Rdc, sa pamamagitan ng application form online at ito sa kasalukuyang ay sapat na bilang isang self-certification.

Sa pagpapatupad ng mga bagong requirements, marahil ay dadaan sa INPS ang mga dokumento na magpapaliwanag ng pagpapatupad nito, ang buong procedure at kung sakali ang sertipiko na dapat ilakip.

Muli, ay kailangang maghintay hangga’t hindi ganap na inaaprubahan ang panukala at ang pagsasabatas nito na inaasahang sa nalalapit na March 28.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian Citizenship, narito ang 7 hakbang ng aplikasyon

Athea Couture umani ng popularidad sa London Fashion Show