in

Reddito di Emergenza 2021, alamin ang estado ng aplikasyon

Ako Ay Pilipino

Hanggang May 31, 2021 ay maaaring mag-aplay ng Reddito di Emergenza 2021. Ito rin ang itinalagang extension ng Naspi o ang unemployment benefit na matatanggap ng tatlong buwan. 

Basahin din: Reddito di Emergenza 2021, paano mag-aplay at NASPI, pinalawig ng decreto Sostegni

Bago gawin ang aplikasyon ay ipinapayo ang pagkakaroon ng ISEE 2021, walang mali, walang kulang at nasuri ang lahat ng nilalaman tulad ng nasasaad sa Circular n. 61 ng April 14, 2021 ng Inps. 

Reddito di Emergenza, alamin ang estado ng aplikasyon 

Upang malaman ang estado ng aplikayson ng Reddito di Emergenza 2021, para sa mga mìnakapag-sumite na ng aplikasyon ay kailangang magpunta sa official website ng Inps, www.inps.it at isulat sa Search ng mga Servizi: Reddito di Emergenza

Maaaring malaman ang estado ng aplikasyon ng REM, gamit ang SPID, Pin Inps, Carta d’Identità Elettronica o Carta Nazionale dei Servizi. 

Matapos ang makapasok sa page ng REM, ay kailangang i-click sa Menu: GESTIONE DOMANDA – Lista domande ed esiti

Ang aplkasyon ay mayroong ilang hakbang:

  • Completata – Kapag nakumpleto nang sagutan ang aplikasyon.
  • Acquisita – Kapag natanggap na ng sistema ang aplikasyon.
  • Accolta o respinta – Kapag positibo o negatibo ang resulta ng aplikasyon.
  • Terminata – Kapag nabayaran na ang tatlong buwan.

Matapos matanggap ang aplikasyon (Acquisita) at magkaroon ng positibong resulta (Accolta) ang aplikasyon ay kailangang i-click sa column ng Azioni, ang esito at suriin na lahat ay kulay berde na may thumbs up. 

Sa column ng data trasmissione pagamento, ay kailangang suriin ang petsa ng pagpapadala ng benepisyo. Ito ay hindi ang petsa ng availability ng REM 2021 Inps sa bank account ng aplikante. 

Kung makakakita ng kulay red o orange, ay kailangang i-click ang sa loob ng column upang malaman kung ano ang problema sa aplikasyon. 

Kailan matatanggap ang Reddito di Emergenza 2021? 

Upang malaman ang petsa ng pagdating ng tatlong buwang tulong pinansyal – Marso, Abril at Mayo ay kailangang magpunta sa fascicolo previdenziale del Cittadino at i-click ang Menu sa kaliwa: prestazioni e pagamenti.

I-click ang Prestazione. At pagkatapos ay makikita ang petsa ng pagdating ng tulong pinansyal at ang halaga nito. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng Assegno per il Nucleo Familiare hanggang June 2021

500,000 katao araw-araw, target ng vaccination plan sa Italya