in

Regularization 2020: Kanino lalapit upang malaman ang status ng aplikasyon?

Maraming mga aplikasyon sa Regularization na isinumite alinsunod sa Decreto Legge 34/2020 ang hindi pa natatapos ang pag-proseso. 

Ang dahilan ay maaaring iba-iba: workload ng Prefecture o maaaring kawalan ng komunikasyon mula sa Questura o mula sa Ispettorato del Lavoro (kahit bihirang mangyari). 

Ngunit dapat malaman na ang bawat administrative procedure ay nagtatapos sa pamamagitan ng pagpapatibay ng isang decreto. Ito ay dapat ilabas sa loob ng panahong itinakda ng batas, na maliban sa ilang eksepsiyon, ay nakatakda sa 30 araw!

Upang malaman ang status ng aplikasyon ay kailangang kontrolin ito sa website ng Ministry of Interior (https://nullaostalavoro.dlci.interno.it), sa pamamagitan ng pag-log in gamit ang SPID ng employer.

Kung walang natanggap na anumang komunikasyon ay maaaring mag-request ng access sa mga dokumento (o atti) sa Prefecture. Ito ay sa pamamagitan ng certified email o registered mail with return card.

Sa kabilang banda, kung sakaling ang status ng aplikasyon ay “in attesa di parere della Questura” o “dell’Ispettorato del lavoro”, ay maaaring direktang makipag-ugnayan sa dalawang nabanggit na tanggapan upang malaman ang dahilan ng pagkaantala at pagkatapos ay hilingin ang pagpapadala nito sa Prefecture .

Mahalaga rin na malaman na ang final decision, kung negatibo, ay palaging dapat magpadala ng komunikasyon (preavviso) bilang abiso na nagbababala sa mga tinatawag na dahilan o hadlang o ang kakulangan sa mga requirements upang ang aplikasyon ay tanggihan. 

Sa kaso ng huling Regularization, ang mga kadahilanang ito ay maaaring:

  • kakulangan ng required salary ng employer,
  • pagkakaroon ng hatol sa employer o ng foreign worker,
  • kawalan ng patunay ng presensya sa bansa noong 8 Marso 2020.

Ang komunikasyon ay palaging naglalaman ng abiso sa aplikante (worker at employer) kung saan maaaring maglakip ng patunay o dokumentasyon. Ito ay kailangang isaalang-alang ng Prefettura para sa pinal na desisyon. (Atty. Federico Merlo, para sa Stranieriinitalia.it)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga bagong panuntunan sa paggamit ng Monopattino, narito ang maikling gabay

Ako Ay Pilipino

Ano ang Rimpatrio Volontario Assistito o Assisted Voluntary Return and Reintegration?