Habang naghihintay sa paglabas ng implementing rules and guidelines mula sa mga Ministries, narito ang ilang tugon sa mga katanungang inyong ipinadala, mula sa aming eksperto.
Doppia Sanatoria? Ano ang pagkakaiba ng dalawa?
Oo, ito ay tinatawag din na ‘doppia sanatoria’ dahil nagpapahintulot sa dalawang pamamaraan: regularization o sanatoria ng:
- Trabaho (Emersione dal lavoro nero): mamamayang Italyano at dayuhan (Europeans at non-Europeans) na regular na residente;
- Pananatili sa Italya (Regularizzazione degli stranieri): manggagawang dayuhan na hindi regular na maaaring magkaroon ng parehong employment contract at permesso di soggiorno. Ito ay ang pagkakataong nakalaan sa mga dayuhang nasa bansang Italya na bago ang petsa ng March 8, 2020.
Lahat ba ng mga employer ay maaaring gawin ang Sanatoria?
Hindi, Sa teksto ng Decreto ay maaaring gawin ang Emersione at Regularization ng mga employers na:
- Italyano;
- Mamamayan ng EU State Member;
- Dayuhang mayroong EC long term residence permit
Samakatwid, ay hindi kasali ang mga dayuhang mayroong ordinaryong permit to stay, dahil na rin sa nasasaad na kundisyon sa Decreto.
Ang Sanatoria ba ay para lamang sa mga mayroong expired na permit to stay o para din sa mga undocumented o walang permesso di soggiorno?
Ang expiration ng permesso di soggiorno na nasasaad makalipas ang Oct. 31, 2019, ay para sa isang hakbang o ang pagbibigay ng permesso di soggiorno temporaneo.
Samantala, ang mga employers ay maaari ding gawing regular ang mga pananatili sa bansa ng mga dayuhang undocumented o walag permesso di soggiorno, sa kondisyon na mapapatunayan ang kanilang pananatili sa bansa mula March 8, 2020 at hindi na muling lumabas ng bansa.
Paano mapapatunayan ang pananatili sa bansa bago ang March 8, 2020?
Maaaring patunayan ang pananatili sa Italya sa pamamagitan ng:
- Sumailalim sa fingerprinting dahil sa mga sumusunod na dahilan i.dating regular o dating mayroong permesso di soggiorno ii.nakontrol ng pulis at kinunan ng fingerprint (foglio di via).
- Gumawa ng ‘dichiarazione di presenza’ bilang pagsunod sa requirement ng short stay sa bansa na mas mababa sa 3 buwan tulad ng turismo, research, study, sport competition, business) sa loob ng 8 araw, sa Questura. Sa deklarasyon ay nasasaad din ang naging accommodation (hotel).
- Pagkakaroon ng “sertipiko o dokumento na may petsa mula sa mga tanggapang publiko“, na angkop bilang patunay ng pananatili sa bansa bago ang petsa ng March 8, 2020.
Ang pagkakaroon ng mga dokumentasyong nabanggit ay tiyak na mula sa mga kaganapang hindi inaasahan sa nakaraan ngunit maaari ding magkaroon ng patunay mula sa mga tanggapang publiko tulad ng ospital (pronto soccorso o ang pagkakaroon ng STP), paaralan kung may anak na menor de edad).
Paano ang mga dayuhang hindi nagmula sa Schengen countries? Paano mapapatunayan ang kanilang pananatili sa bansa?
Sa pamamagitan ng timbo sa kanilang mga pasaporte.
Sa ikalawang kaso ng Regularization, ano ang ibig sabihin ng expired na permesso di soggiorno? Ito ay para din ba mga nag-request ng renewal ngunit na-pending ito?
Malinaw ang nasasaad sa dekreto, permesso di soggiorno na hinid na-renew o hindi na-convert, marahil upang maiwasan na ang sinumang nag-request na ng renewal o convertion ay ulitin ang request sa pamamagitan ng sanatoria. Gayunpaman, maaaring isaalang-alang na ang sinumang nag-aplay ng renewal at conversion ng permit to stay ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito natatapos, ay maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno temporaneo.
Para magkaroon ng permesso di soggiorno temporaneo, gaano katagal dapat na nag-trabaho sa nakaraan sa 3 sektor na nabanggit ng dekreto?
Ang teksto ay hindi nagtakda ng limitasyon sa panahon, kaya maaaring ikonsidera na ang trabaho na patutunayan sa 3 sektor ay maaaring nagawa kahit matagal na panahon na ang nakaraan, kahit bago mag-expired ang permesso di soggiorno. Ang expiration ng dokumento ay hindi konektado sa pagta-trabaho sa 3 sektor.
Paano mapapatunayan ang pagta-trabho sa nakaraan sa mga sektor na hinihingi ng dekreto?
Inaasahang ang mga dokumentasyong kinakailangan ay malalaman sa ministerial decree o implementing rules.
Gayunpaman, maaaring magamit ang dokumentasyon mula sa Ispettorato Nazionale del Lavoro. Sa kaso naman ng lavoro nero, ang deklarasyon marahil ng dating employer ay maaaring maging kapaki-pakinabang. Sa kasong ito, ay dapat isaalang-alang na ang deklarasyon ay maaaring maging mapanganib at magkaroon ng epekto na taliwas sa hangarin.
Saang mga kaso maaaring ma-convert ang permesso di soggiorno temporaneo sa permesso per lavoro?
Narito ang mga posibilidad:
- Sa expiration ng permesso di soggiorno temporaneo, ang dayuhan ay nagkaroon ng employment contract sa isa sa 3 sektor na nabanggit sa dekreto;
- ang dayuhan ay nagtrabaho ng anim na buwan (ang dekreto ay hindi nagbanggit ng anumang panahon, samakatwid, maaaring ang trabaho ay sa maigsing panahon lamang) ngunit sa expiration ng permesso di soggiorno temporaneo ay walang bagong employment contract, sa kasong ito ay ipakita ang dokumentasyon ukol sa sahod at social security o inps at mag-aplay pa rin ng conversion;
- ang dayuhan ay hindi nagtrabaho at sa nalalapit na expiration ng permesso di soggiorno temporaneo ay maaaring ipakita ang isang kontrata upang gawin ang conversion.
Ang employment contract na kailangan para sa conversion, sa pagtatapos ng validity ng 6 na buwan ng permesso di soggiorno, ay dapat ba na isa sa mga nabanggit na sektor ng dekreto?
Ang literal na pamantayan ay hindi tinukoy ang tatlong mga sektor, na syang sektor naman para sa 6 na buwan ng permesso di soggiorno temporaneo (pati ang sahod at kontribusyon). Samakatwid, ang bagong employment contract ay tila kahit sa ibang sektor.
Ano ang mangyayari kung mahihinto sa pagtatrabaho matapos magkaroon ng permesso per lavoro?
Ang pagkawala ng trabaho ay hindi maaaring maging sanhi sa pagpapawalang-bisa ng permesso di soggiorno at kung sakaling mangyari ito, ay maaaring magpatala sa Centro per l ‘Impiego. Paalala: Ito ay para rin sa mga nawalang trabaho na seasonal workers.
Ang mga hadlang sa proseso ay para rin ba sa pag-aaplay ng permesso di soggiorno temporaneo?
Ang mga nabanggit na posibleng hadlang ay para lamang sa aplikante, habang para sa employer ay nasa bahagi ng conversion ng permesso di soggiorno temporaneo, dahil ang employer ay hindi kasama sa unang bahagi ng proseso.
Ang isang simpleng pagpapatalsik o expulsion dahil sa hindi pagkaka-renewed ng nakaraang permit to stay ay magpapahintulot ba sa regularization?
Hindi. Ang expulsion ay karaniwang ibinibigay para sa kaligtasan at seguridad ng publiko, inaasahan ang pagsusuri sa bigat ng sentensya at uri ng krimen.
Ano ang mangyayari sa pagitan ng pagsusumite ng aplikasyon at pagtatapos ng proseso?
Sa pagitan ng panahong ito:
- may pagbabawal sa pagpapatalsik sa dayuhang aplikante, maliban na lamang kung sa pagsusuri ng aplikasyon ay makikitang may hadlang dito upang tanggihan ang aplikasyon;
- maaaring mag-trabaho. Paalala: Sa kaso ng unang hakbang ng emersione (aplikasyon na ginawa ng owner) ay esklusibong magta-trabaho sa nagsumite ng aplikasyon;
- pansamantalng ihihinto ang kriminal at administratibong kaso laban sa employer, ukol sa iligal na pagtatrabaho ng mga manggagawa, at laban sa manggagawa, kaugnayan sa iligal na pagpasok at pananatili sa bansa.
Gaano katagal ihihinto ang kriminal at administratibong kaso? At kailan matatapos ang suspensyon?
Ang kasong nabanggit ay mananatiling suspendido hanggang sa matapos ang buong proseso. Gayunpaman, ipagpapatuloy ito sakaling ang aplikasyon ay tanggihan o pawalang-bisa.
Kung ang aplikasyon ay negatibo sa dahilang hindi saklaw ng employer, ang kaso ba ay magpapatuloy?
Oo. Gayunpaman, ang posibilidad na ito ay hindi nakalaan sa dayuhan. Ang kaso ay magpapatuloy kahit na ang sanatoria ay mabigo hindi dahil sa dayuhan.
Kailan isasara ang kriminal at administratibong kaso sa unang bahagi ng sanatoria, ang emersione dal lavoro nero? (Aplikasyon mula sa employer)
Sa kasong simulan ang proseso at kung magiging matagumpay ay kakailangan ang:
a) pagpirma ng contratto di soggiorno;
b) mandatory communication of hiring o comunicazione obbligatoria di assunzione;
c) Issuance ng permesso di soggiorno.
Kailan isasara ang kriminal at administratibong kaso sa ikalawang bahagi ng sanatoria? (request ng permesso di soggiorno temporaneo)
Sa kasong ito, ang anumang kaso laban sa mamamayang Italyano ay magtatapos lamang kung ang permesso di soggiorno temporaneo ay ma-convert sa permesso per lavoro. (stranieriinitalia.it)