Maraming mga employer sa kasalukuyan ang nakakatanggap ng ‘convocazione’ o ng araw ng appointment sa Prefettura, upang kumpletuhin ang proseso ng Regularization o Emersione o Sanatoria na nasasaad sa artikulo 103, talata 1 ng DL 34 ng 2020.
Matapos matanggap ang komunikasyong ipinadala sa employer sa pamamagitan ng email o pec, na inilagay sa aplikasyon, ang employer ay mayroong 8 araw, mula sa pantanggap ng komunikasyon, upang iprisinta ang mga kinakailangang dokumentasyon.
Ang mga dokumento upang maiwasan ang ‘assembramenti’ ay pinahihintulutang ipadala sa pamamagitan ng pec o registaered mail sa address na nasasaad sa komunikasyon.
Ang mga kinakailangang dokumento mula sa employer ay ang sumusunod:
- Kopya ng balidong ID (carta d’identità) at codice fiscale ng employer na ginagamit sa aplikasyon;
- Kopya ng huling Dichiarazione dei Redditi (730 o Unico) at resibo ng pagsusumite nito online. Kailangan din ang kopya ng huling Dichiarazione dei Redditi ng miyembro ng pamilya sa kasong ‘reddito congiunto con il familiare convivente e non’ para sa hiring sa domestic job; Basahin din: Sahod ng kamag-anak hanggang ikalawang grado, maaring isama sa kalkulasyon ng required salary
- Sa kaso ng hiring ng mga caregiver para sa miyembro ng pamilya na may maysakit o may kapansanan, ay kakailanganin ang kopya ng mga medical certificates na nagpapatunay ng pagiging non-autonomous nito at nangangailangan ng tagapag-alaga. Maaaring isumite ang verbale ng invalidità civile o sertipiko mula sa medico curante na nagpapatunay ng autosifficienza;
- Kopya ng pagbabayad ng € 500,00;
- Kopya ng pagbabayad ng contributo forfettario, contributivo at fiscale.Ang contributi forfettario ay kailangang bayaran bago ang convocazione, mula sa petsa ng simula ng trabaho hanggang sa petsa ng pagpapadala ng aplikasyon;
- Denuncia sa Inps, sa sinumang hindi naglagay ng petsa ng simula ng trabaho at nagsumite naman ng proposal ng hiring sa domestic job;
- Modello Obis M Inps (Ito ay isang sertipiko na ibinibigay taun-taon ng Inps sa lahat ng mga pesioners).
Ang mga kinakailangang dokumento mula sa worker ay ang sumusunod:
- Kopya ng balidong pasaporte (mabuting gawin ang kopya ng lahat ng pahina);
- Anumang patunay ng pananatili sa bansang Italya bago ang Marso 8, 2020 tulad ng resibo ng money transfer, kontratto ng Sim card; medical check-ups at iba pang dokumentasyon;
Matapos ang pagsusuri ng lahat ng mga dokumentasyon ang Prefettura (Sportello Unico per Immigrazione) ay tatawagan ang employer at worker para pirmahan ang contratto di soggiorno at para sa request ng first releasing ng permesso di soggiorno. Kailangan ding iprisinta ang lahat ng mga orihinal na dokumento na una ng ipinadala sa ahensya.
Matapos aprubahan ang aplikasyon ng regularization, ang Prefettura ay ibibigay ang KIT sa worker kasama ang listahan ng mga dokumento na dapat ilakip para sa pagpapadala nito sa ufficio postale para sa permesso di soggiorno.
Basahin din:
- Regularization: Inps, nagbigay ng instruction sa pagbabayad ng kontribusyon
- Regularization 2020: Idoneità Alloggiativa at Authorized person ng employer, ang paglilinaw ng Ministry of Interior