Matapos maisumite ang aplikasyon ng Regularization o Emersione ay nararapat lamang na malaman ang estado ng nito. Una sa lahat, ay kailangang hawak ng aplikante ang kopya ng resibo nito. Ito ang patunay na ang aplikasyon ay naipadala ng employer o ng Patronato online.
Ang resibo ay nagtataglay ng:
- identificativo domanda;
- codice verifica;
- pangalan, apelyido, codice fiscale, araw ng kapanganakan ng employer
- pangolin, apelyido, citizenship, araw ng kapanganakan, uri ng dokumento ng worker;
- petsa at oras ng invio pratica o pagpapadala ng aplikasyon.
Gamit ang SPID o Sistema Pubblico di Identità Digitale (ng employer, abugado o Patronato) na syang ginamit sa pagsusumite online ng aplikasyon, ay magkakaroon ng access at mako-kontrol ang estado ng aplikasyon sa website ng Ministry of Interior. Gayunpaman, ang dayuhan ay hindi maaaring gamitin ang kanyang sariling SPID.
Matapos ang access ay makikita ang iba’t ibang opsyon:
- Visualizza lo stato della pratica;
- Stampa del Nullaosta;
- Visualizza Codice Fiscale;
- Comunicazione Obbligatoria.
I-click ang lo stato della pratica. Dito ay makikita ang estado ng aplikasyon at ang pag-usad nito hanggang sa pagkakaroon ng contratto di soggiorno o maaari ring hanggang sa rejection ng aplikasyon. Ayon sa inilathala ng portaleimmigrazione.eu, narito ang iba’t ibang bahaging pagdadaanan ng aplikasyon.
- Parere della Questura – Sa bahaging ito ay sinusuri ang criminal record ng employer at ng worker, kung mayroon man.
- Parere della ITL o Ispettorato Territoriale del Lavoro – Sa bahaging ito ay sinusuri naman ng Ispettorato del lavoro ang pagkakaroon ng sapat na requirements ng employer partikular ang sahod o reddito nito. Dito ay sinusuri rin ang oras ng trabaho, lebel at antas ng trabaho ng worker kung naaayon sa umiiral na CCNL.
- Integrazione eventuale dei dati – Sa bahaging ito ay inilalakip naman ang karagdagang dokumentasyon mula sa employer o worker. Ito ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng ‘preavviso di rifiuto’ na may palugit lamang ng 20 araw kung kaya’t ito ay nangangailangan ng mabilisang aksyon.
- Convocazione per la firma del contratto di soggiorno – Matapos malampasan ang mga naunang bahagi, ay makakatanggap ng convocazione o appointment sa mula sa Prefettura ang employer at worker sa Sportello dell’Immigrazione para pirmahan ang contratto di soggiorno at para matanggap ang kit postale para sa first issuance ng permesso di soggiorno.
Basahin din: